Mataas na ratings nina PBBM at VP Sara

December 3, 2022 Marlon Purification 67 views

Marlon PurificationHALOS anim na buwan mula nang manungkulan sa Malakanyang, nanatiling mataas ang trust at approval ratings ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Base sa pinakahuling survey na inilabas ng OCTA Research noong nakalipas na Miyerkules, Nobyembre 30, majority ng Pilipino ay may mataas na tiwala at nasusulitan sa liderato ni PBBM.

Ang OCTA Tugon ng Masa survey ay nakapagtala ng 86 percent para sa trust rating ng Pangulong Marcos at 78 percent naman sa kanyang performance rating.

Apat na porsiyento lamang ang may disgust kay PBBN, habang limang porsiyento naman ang hindi satisfied sa kanyang performance.

Kinuha ang survey noong Oktubre 23-27 sa may 1,200 respondents mula sa NCR, Luzon, Visayas, Mindanao at may socio-economic class ABC, D at E.

Si Bise-President Sara Duterte ay nakatanggap din ng kahanga-hangang trust and approval ratings na may 86 percent at 80 percent, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Ang distrust at dissatisfaction ratings ni VP Sara ay four percent lamang din.

Sinabi ng OCTA na ang Pangulong Marcos ay nakapagtala ng pinakamataas na trust rating sa Mindanao kung saan ay mayroon itong 92 percent. Ang mababang trust ratings (bagaman mataas pa rin) ay nakuha naman sa Metro Manila mula sa 82 percent.

Sa masa o mahihirap nating kababayan nakakuha ng pinakamataas na trust rating si PBBM dahil 90 percent ang ibinigay ng mula sa socio-economic class E.

Ang lowest trust ratings na may 78 percent pa rin ay mula naman sa Class ABC o iyong tinatawag na upper-to-middle class ng bansa.

Naitala ang performance ratings na 74 percent hanggang 85 percent ang performance rating ni PBBM. Pinakamalaki pa rin ang sa Mindanao (85%) at mababa ang nasa Balance Luzon (74%). Ang performance ratings sa socio-econimic class ni PBBM ay pumapalo 79 percent. Mula ito sa Class D o iyong tinatawag na masa, samantalang ang 67 percent na performance rating ay mula sa mga matatanda na bahagi ng Class ABC.

Ang Tugon ng Masa national survey ay isang ‘independent and commissioned poll’ na palagiang ginagawa ng OCTA Research.

Mula sa 1,200 respondents nationwide, isa-isa nilang hiningi ang tiwala nila sa dalawang mataas na pinuno ng bansa at inalam din kung kuntento sila sa performance ng mga ito.

Dahil sa mataas na trust ratings ni PBBM, gayundin si VP Sara, patunay na sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa, mula sa pananatili ng Covid at mataas na inflation rates, ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang taumbayan na malalagpasan natin ang lahat ng ito.

Manatili tayong positibo at ibigay ang nararapat na tiwala kay PBBM, gayundin kay VP Sara.