Kris

Mark inaming mahal pa rin si Kris

October 6, 2023 Aster Amoyo 230 views

Kris1Kris2DESPITE the pronouncements of Kris Aquino in her Instagram account na wala na umano sila ng Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste, hindi pa rin nagbabago ang businessman at politician sa kanyang pagtingin at pagmamahal sa bunsong anak ng yumaong dating senador na si Benigno `Ninoy’ Aquino at dating Pangulo na si Cory Aquino.

“If I can only shout to the world how much I love and care for her ay gagawin ko,” pahayag ng dating model at occasional actor.

Hanggang ngayon ay suot-suot pa rin ng bise gobernador ang trinity ring na bigay umano sa kanya ni Kris.

On Christmas day, December 25 ay 46th birthday ni Mark at kasama sa kanyang advance birthday wish ay ang tuluyang paggaling ng kanyang lady love sa sakit nito at makauwi na rin ng Pilipinas.

Kung tutuusin, mahirap pareho sa parte nina Kris at Mark na maipagpatuloy ang kanilang relasyon because of the distance – nasa Amerika si Kris (for the last 16 months) kung saan ito nagpapagamot at nasa Pilipinas si Mark serving his tenure as one of the longest sitting vice governors of Batangas. Pero sa kabila nito ay nagagawa pa rin niyang magpalik-balik ng Pilipinas at Amerika just to visit and to spend sometime with Kris and her two sons na sina Joshua at Bimby na ang respective fathers ay pareho niyang kaibigan.

Ayaw mag-komento ni Mark sa pronouncement ni Kris na wala na umano sila and no one can stop him from loving her.

Mark, whose marriage to his first wife has long been annulled, is a single father to his three grown-up children na sina Ronin, Arielle at C2. The eldest is now serving as vice-mayor of Lian, Batangas. Arielle, being the middle child and the only girl who finished college in the US, is an active civic leader habang nag-aaral pa ang bunsong si C2.

May bahay ang pamilya Leviste sa Hollywood, California, USA where they often spend Christmas with his family.

It was on New Year’s Day, January 1 of this year when he visited Kris in their rented house in L.A. na naulit nung January 3 and the rest ay history na umanong maituturing pagdating sa pagkakaroon nila ng relasyon ng tinaguriang “Queen of All Media”.

“In my heart and in my mind, I can sincerely say na mahal na mahal ko siya (Kris),” pag-amin ng bise-gobernador ng Batangas. “I would do everything for her,” diin pa niya.

Xia at 14 busy na uli ang dating child star

XiaXia1FILIPINO-British child star Xia Vigor is now a teen-ager at 14. Kamakailan lamang ay nakapanayam namin ang child star para sa aming online show on YouTube, ang “TicTALK with Aster Amoyo” at nalaman naming na isa na umano siyang Viva contract artist matapos niyang pumirma ng exclusive contract with the Del Rosario-owned company.

Taong 2015 nang maging grand winner si Xia sa “Mini-Me 2” segment ng noontime show na “It’s Showtime” as Mini-Selena Gomez kung saan siya nakapag-uwi ng P2.5M cash prize at isang house and lot. Naging segment host din siya sandali ng programa sa “Xia and Kuys” hanggang magtuluy-tuloy na rin ang kanyang showbiz career bilang child star and was contracted by Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Xia has guested sa now-defunct top-rating and long-running drama anthology ng Kapamilya network, ang “Maalaala Mo Kaya” ng apat na beses maging sa ilang programa ng TV network. Naging bahagi rin siya sa ilang TV series at nakagawa ng ilang pelikula at kasama na rito ang local adaptation ng Korean hit movie na “Miracle in Cell #7” na pinagsamahan nila ni Aga Muhlach under Viva Films kasama si Bella Padilla at ilang award-winning and veteran actors tulad nina Joel Torre, Soliman Cruz, Tirso Cruz III, John Arcilla, Mon Confiado at iba pa. Ang nasabing pelikula ang itinuturing ni Xia as her most memorable movie dahil ito ang nagpapanalo sa kanya bilang “Child Performer of the Year” mula sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club. She was also nominated as Best Child Actress sa 2019 Metro Manila Film Festival for the same role and movie.

Minahal din ng publiko si Xia nang siya’y sumali sa unang season ng “Your Face Sounds Familiar – Kids Edition” nung 2017, “The Kids Choice” in 2018. Naging bahagi rin siya ng nagtapos na longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa loob ng halos isangtaon.

Since isa na siyang teen-ager at 14, apat na taon na lamang ang kanyang bibilangin at ganap na siyang dalaga. Only then will she allow herself na maligawan and eventually magkaroon ng boyfriend.

“Yan din ang usapan namin ni Mommy (Christy Bernardo) at naka-focus ako ngayon sa aking studies at showbiz career,” aniya.

Except for her friends na nakasama niya sa “Your Face Sounds Familiar – Kids Edition” na ka-chat pa rin umano niya hanggang ngayon, wala umano siyang matatawag na close friends niya except for her elder brother na si Liam.

“My brother is very shy but we have common interests at kasama ang iba’t ibang sports na kinahihiligan namin including football,” aniya.

Pagkatapos mailababas sa mga sinehan nung December 2019 ang “Miracle in Cell No. 7” na siyang nanguna sa 2019 Metro Manila Film Festival and earned multiple nominations for the cast, naudlot ang showbiz career ni Xia dahil months later ay dumating ang pandemic na siyang nagpahinto sa lahat.

To avoid the virus na peak noon in National Capital Region, nagdesisyon ang ina ni Xia na si Christy Bernardo na umuwi sa kanilang hometown sa Mindoro bitbit ang dalawa niyang anak na sina Liam at Xia. Doon ay natuto ang magkapatid sa iba’t ibang gawaing bukid tulad ng pagtatanim ng palay, pag-aararo at iba pang gawain sa probinsya na sobrang nilang in-enjoy dahil first time nila ito naranasan na never umano nila na-experience when they were kids in England (kung saan sila pareho ipinanganak) at maging sa Maynila.

“Natuto rin kami maglaro run ng mga larong pambata and gained new friends,” pagmamalaki pa ni Xia.

“Mas na-appreciate namin ni Liam ang buhay noon ng Mom ko sa probinsya,” aniya.

It was only this May nang magdesisyon ang mag-iina na bumalik ng Maynila upang ditto na sila mag-aral at maipagpatuloy ni Xia ang kanyang showbiz career.

“Sobra ko rin po na-miss ang showbiz,” pag-amin pa niya.

At 14, napaka-mature nang mag-isip at magsalita ni Xia whose parents separated when she was 5 at 6 naman si Liam. But they remain close to their father who is back in England with his new family. May isa na rin silang half-sibling, a younger brother sa kanilang ama sa bago nitong girlfriend na isa ring Filipina.

“My father wanted me and Liam to study in England pero narito ang showbiz career ko. But we will definitely visit him this Christmas,” aniya.

Sa bagong contract ni Xia with Viva ay nakatapos na siya ng isang movie with Janno Gibbs na hindi pa naipapalabas at si Janno rin mismo ang director. And she’s also recording a song under Viva Records.

“Marami po ang plano sa akin ang Viva,” pagtatapos niya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE