Marya

Lagay ng puso ni Cherry Pie, kinumusta ni Marya

October 5, 2023 Vinia Vivar 183 views

Nakakaaliw ang tsikahan nina Maricel Soriano at Cherry Pie Picache sa YouTube vlog ng Diamond Star.

Napag-usapan kasi nila ang tungkol sa lovelife ni Pie and everybody knows naman na ang boyfriend (o ex?) ng aktres ay ang dating asawa ni Marya na si Edu Manzano.

Tanong ni Maricel sa kanyang guest, “Kamusta ba ang puso mo? Okay pa ba? Umaandar pa ba ‘yan?”

Tawa nang tawa si Pie. “Sus, namawis daw ako.”

Then sagot niya, “Okay naman siya, bongga naman siya.”

May tsismis nga kasing nag-break na sila ni Edu although hindi pa naman sila pareho nagsasalita tungkol dito.

Paliwanag pa ni Pie, “Kasi, ‘di ba, okay naman ang sarili natin, ‘di ba? Hindi naman kailangang naka-depende sa kahit kanino. Basta okay ka sa taas, okay ka sa sarili mo, sa paligid mo, alam mo kung sino ka, happy ka.”

Um-agree naman si Marya.

Then, sey ni Pie, “Nalusutan ko, ‘di ba?

Sagot naman ng Diamond Star, “Akala mo lang ‘yun.”

Tawanan sila.

Then, biglang sabi ni Maricel, “Nanggaling kasi ako riyan, hindi mo natatanong.”

Tawa na naman si Pie.

Pero kinukulit pa rin ni Marya si Cherry Pie na magsalita at siya naman kasi ay ‘been there, done that’ na.

May ibig sabihin din ang tanong ni Maricel sa co-actress na “pero carry mo naman sa lahat ng pagsubok at mga dagok ng buhay na marami na tayong pinagdaanan diyan, tayong dalawa. ‘Etong katatapos lang, eh, okay ka naman ba?”

Muli ay natawa si Pie. “Ibalik natin? Akala ko nalusutan ko na,” aniya na tawa nang tawa.

Sey ni Marya, “Paano mo nalusutan lahat? Ang husay mo. Hindi, nakakabilib kasi hindi lahat, nakaka-cope nang ganyan kabilis.”

Sagot naman ni Pie, “Kasi ano, eh, lahat naman maayos. Lahat, napag-uusapan, honest. Tapos, hindi naman nagtatapos.”

Sagot ni Maria, “Ah, itutuloy ang susunod na kabanata, ganu’n ba?”

Laugh na naman si Pie at hindi na nag-elaborate pa.

Naaliw kami sa dalawang aktres na sila lang dalawa ang nagkaintindihan sa pinag-usapan nila. Hahaha!

Si Edu nga ba ang topic nila? Oh well…

AUTHOR PROFILE