Maine

Maine, mangiyak-ngiyak sa papuri ni Vic

October 20, 2021 Ian F. Fariñas 299 views

MANGIYAK-NGIYAK si Maine Mendoza sa pagbuhos ng papuri sa kanya ng Daddy’s Gurl co-star at producer na si Vic Sotto.

Sa virtual mediacon para sa third anniversary ng sitcom na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7, sinabi ni Vic na, “Even from the start nu’ng panahon pa lang ng AlDub, we knew that there was something in her, that she has the talent. And nakita naman nating lahat, ’no, nawitness nating lahat ’yung pag-evolve niya to a better actress, to a better host, lalo na sa Bulaga, she’s just a natural. Hindi mo kelangang… I dont remember the times na I gave her pointers, tips. Ano, eh, basta natural lang na lumalabas, eh, kung anuman ’yung kalokohan o kagandahan, ’yung galing niya sa pag-arte, mapa-comedy, mapa- serious, mapa-batuhan ng kuro-kuro, opinyon, she’s very well rounded and very talented.”

Siyempre, ’yung makarinig ka raw ng ganu’n, lalo pa mula kay Vic, talagang nakakatuwa, ani Maine.

Kaya, aniya, naiiyak siya sa mga narinig at nag-thank you kay Vic sa tiwalang ibinibigay sa kanya all these years.

“Nakakatuwa na merong nakaka-appreciate nu’ng ginagawa ko. Thank you, Bossing, for the kind words. I love you, Boss! Naiiyak na nga ako kanina, eh. Emotional lang much!” dagdag pa ni Maine.

Tadtad man ng trabaho dahil bukod sa Daddy’s Gurl at Eat Bulaga, eh, meron pa siyang #MaineGoals sa BuKo Channel, PoPinoy sa TV5 at kaliwa’t kanang endorsements, grateful pa rin si Maine na sa gitna man ng pandemya, blessed na blessed pa rin siya.

Malaking bagay daw na naiintindihan ng talent management outfit niyang Triple A ang kahalagahan ng work and life balance.

Kaya para sa kanya, proper time management lang at proper mindset ang kailangan para hindi makaramdam ng pagka-burn out.

“Magpapasalamat na lang siguro po, lalo na sa panahon ngayon, dahil may pandemic ang dami pong nawawalan ng trabaho talagang lahat tayo dapat magpasalamat sa biyayang dumarating po sa atin. Hindi lang po sa mga project po and opportunity na dumarating sa akin, para sa akin kasi, parang sa dami ng walang work ngayon, we must make the most of the opportunities that we are given. So kahit minsan physically tiring and it can get really taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang dami ng taong walang trabaho, ang daming taong naghihirap ngayon, sana mas pahalagahan ko na lang kung ano ’yung meron ako imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod, physically and mentally, ’yung trabaho ko ngayon,” patuloy ng super busy na si Maine.

AUTHOR PROFILE