Yassi

Yassi, nag-ract sa muling pagbubukas ng mga sinehan

October 20, 2021 Ian F. Fariñas 93 views

KABILANG sina Yassi Pressman, JC Santos at Ariella Arida, mga bida sa upcoming Vivamax offering na More Than Blue, sa mga natuwa at na-excite sa balita na muli nang pinayagan ng IATF ang bahagyang pagbubukas ng mga sinehan sa bansa.

Sa online mediacon kahapon ng Philippine remake ng Korean heart-wrenching romantic drama film na dinirek ni Nuel Naval (ng Miracle in Cell No. 7), sinabi ni Yassi na malaking bagay ang muling pagbubukas ng mga sinehan para sa mga taga-industriya.

Aniya, dahil dito, sisigla muli ang mundo ng pelikula, makakabawi ang ating film producers sa mga nalugi sa kanila nang matigil ang lahat ng produksyon sa simula ng Covid-19 pandemic.

Mas marami na ring artista at mga taga-produksyon ang magkakaroon ng trabaho dahil may mas malawak at karagdagang venue na nga namang paglalabasan ng prino-produce na movies.

Kaya positibo ang balitang ito para sa aktres at sa mga co-star niya sa More Than Blue na magsisimula nang mapanood sa Vivamax sa November 19.

AUTHOR PROFILE