Litoatienza

’Di estapador si Manny — Cong. Lito

October 20, 2021 People's Tonight 319 views

MAYBAHAY ang magiging papel ni Jinkee Pacquiao kung sakaling palarin si Senator Manny Pacquiao na mahalal bilang presidente ng bansa sa 2022 elections.

Batid ni Cong. Lito ang bashers ni Jinkee sa social media kapag nagdidispley ng mamahaling damit, bag at sapatos sa socmed account.

Hindi rin lingid sa kanya ang rason ng kaibigang senador sa magastos sa gamit ng asawa.

“Sabi sa akin ni Manny, si Jinkee lang talaga ang sumugal sa kanya nu’ng ordinaryong boksingero pa lamang siya.

“Maliit ang nakukuha niyang pera that time pero hindi umalis sa tabi niya si Jinkee. Kaya naman ngayong may pera na siya, binibigyan niyan ng pera ang asawa para gastusin sa gusto niya,” pahayag ni Cong. Lito sa press meet niya kahapon.

Nasabi rin ng kongresista na paretiro na siya sa pulitika at magbabakasyon muna kasama ang asawa nang dumating ang offer sa kanya na tumakbo bilang Vice President ng senador.

“Ako raw kasi ang qualified sa mga pinagpilian niya. Natuwa naman ako at hindi ko siya natanggihan. Alam kong may mabuti siyang puso na tumulong at maka-Diyos. Proud ako na maka-tandem ni Manny,” dahilan ng kongresista.

Ipinagtanggol din niya si Manny sa mga bintang sa kanya ngayon ng dating aide na diumano ay may utang at estapador.

“Mabigat na akusasyon ‘yon. Hindi estapador si Manny. Kilala ko siya kaya huwag paniwalaan ang mga akusasyon sa kanya,” diin ni Cong. Atienza.

Samantala, ang hahalili naman kay Cong. Lito bilang nominees sa Buhay Party-List ay sina Von Valdepenas, Brian Paz at Xavy Padilla. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE