LTO HULI KAYO–Si Land Transportation Office-Regional Director 4-A Director Elmer Decena.

248 colorum vehicles nahuli ng LTO noong Abril

May 4, 2024 Jun I. Legaspi 79 views

HINDI bababa sa 248 na colorum na sasakyan ang nahuli sa pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) noong Abril.

Pinuri ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang lahat ng regional director sa kanilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa mga colorum na sasakyan alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Our aggressive operation is also in line with the directive of Department of Transportation Secretary Jaime Bautista to further intensify the drive for road safety, especially this month of May which was declared as Road Safety Month,” sabi ni Mendoza.

Batay sa pinagsama-samang datos mula sa lahat ng rehiyon, 84 na van ang nahuli, karamihan sa mga anti-colorum operations kung saan ginagamit ang mga van bilang public transportation vehicle ng walang permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

May kabuuang 20 truck, 12 pampasaherong jeep at 10 bus din ang nahuli. Umaabot naman sa 93 motorsiklo ang nahuli dahil sa iba’t-ibang paglabag.

Sinabi ni Mendoza na nagresulta ang isang buwang operasyon noong Abril sa 57 mga sasakyang de-motor na na-impound para sa mabibigat na pagkakasala, kabilang ang paggamit ng mga motor vehicle para sa pampublikong sasakyan nang walang kinakailangang permit.

Batay sa datos ng LTO, 101 na colorum na sasakyan ang nahuli sa Region 4-A sa ilalim ni Regional Director Elmer Decena.

“We will continue our campaign in order to send a message to the operators and drivers of colorum vehicles that we will not stop until they are held accountable for their illegal operations,” sabi ni Mendoza.

Hinimok ni Mendoza ang publiko na iulat ang operasyon ng mga colorum na sasakyan sa LTO, gayundin ang iba pang regulasyon sa trapiko para maipatupad ang disiplina at kagandahang-loob sa mga kalsada.

AUTHOR PROFILE