Aljur

Pasabog ni Aljur, sinagot ni Kylie … pa-hashtag ng anak ni Robin, #passdivorcebill

October 20, 2021 Vinia Vivar 303 views

Pasabog ang Facebook post ni Aljur Abrenica last Tuesday night na talaga namang mainit agad na pinag-usapan sa showbiz world.

Rebelasyon kung rebelasyon dahil isiniwalat niya na ang asawa niyang si Kylie Padilla daw ang unang nagtaksil kaya sila naghiwalay.

Sa mahabang mensahe ni Aljur para kay Kylie, pinakiusapan niya ang estranged wife na sabihin ang katotohanan.

“Breaking silence.. Kylie please tell them the truth.

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family,” bungad ni Aljur.

Idiniin din niyang dapat malaman ng mga tao ang katotohanan at wala raw siyang galit sa mga basher and hater na umaatake sa kanya “I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family. So they also deserve to know the truth,” aniya.

Ayon pa sa aktor ay hindi siya nagsalita dahil may kasunduan sila ni Kylie kahit na inatake na rin siya ng biyenang si Robin Padilla.

Pero masakit daw para sa kanya na pati ang mga taong sumusuporta sa kanila ay binabato na rin siya ng mga kung anu-anong akusasyon.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children. After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me?

“At first it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?” pahayag pa ni Aljur.

Ilang oras matapos ang post na ito ni Aljur ay may cryptic message naman si Kylie sa kanyang Instagram Story na tila sagot sa estranged husband.

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes,” ang post ni Kylie na tila patungkol kay Aljur.

Bukod dito ay nag-tweet din siya ng “#passdivorcebill.”

Maliban dito ay wala pang direktang sagot si Kylie sa akusasyon at mga pahayag ni Aljur.

Nauna sa pasabog ni Aljur ay ang mga pambabatikos na tinanggap niya mula sa netizens dahil sa viral photos at videos nila ni AJ Raval na kumalat online.

Siyempre, nadawit ang pangalan ni AJ dahil nga kakahiwalay pa lamang nina Aljur at Kylie nang sumulpot ang isyu ng panliligaw ng aktor sa kanya.

Pati ang ama ni AJ na si Jeric Raval, nasangkot na rin sa kontrobersiya dahil nga magkakilala ito at ang ama naman ni Kylie na si Robin.

Pero dinenay na ni AJ ang tsismis na siya ang third party sa Aljur-Kylie breakup.

AUTHOR PROFILE