Kim

Kim kinantyawan sa pag-amin ni Xian sa relasyon kay Iris

May 4, 2024 Vinia Vivar 96 views

Abut-abot na kantyaw ang inabot ni Kim Chiu sa kanyang It’s Showtime family matapos umamin ang ex-boyfriend na si Xian Lim sa bago nitong relasyon.

Matatandaan na lumabas last Thursday ang exclusive interview ng aktor sa isang magazine at dito ay kinumpirma niya ang relasyon kay Iris Lee, associate producer sa Viva.

Sa It’s Showtime last Friday, tinanong ni Jhong Hilario si Kim ng “gusto mo, interbyuhin ka na lang namin?”

Natawa si Kim at sinabing “Huwag gano’n,” pero sumagot din ng “hindi masakit.”

Tawanan lahat.

Well, in fairness naman kay Kim, mukhang naka-move-on na rin siya sa breakup nila ni Xian.

AUTHOR PROFILE