Luis Jessy Mendiola with Baby Peanut, Luis Manzano, Vilma Santos and Ryan Christian Recto

Luis may ipagtatapat bilang anak ni Vilma

May 4, 2024 Aster Amoyo 79 views

BIGATIN ang magiging pilot episode ng bagong TV special ni Boy Abunda na My Mother, My Story ngayong Mother’s Day.

Ang magiging unang guest ng programa ay ang sikat na magkakapatid na sina Luis Manzano, Ryan Christian Recto, at ang kanilang ina na tinaguriang Star for All Seasons, na si Vilma Santos.

Masayang inanunsyo ni Boy Abunda na ang unang episode ay kaabang-abang dahil napakaraming sorpresa ang nangyari sa kanilang panayam.

Nag-shoot ang buong team mismo sa farm house ni Vilma Santos sa Lipa, Batangas.

Ayon kay Tito Boy, ibabahagi raw ng episode ang buhay ni Luis bilang anak ng isang celebrity mom na tinatawag din siyang “public property.”

“The special focuses on the life of Luis bilang isang anak na pinanganak sa mundo kung saan pagmamay-ari ang kanyang ina ng publiko.Vilma calls herself, I quote, ‘public property,’ end of quote. Pero may pangangailangan din si Luis bilang isang anak at kung paano niya hinarap at tinanggap iyon, ‘yan ang mapapanood niyo po sa My Mother, My Story.”

Ang buhay ni Luis Manzani ay isa sa mga anim na celebrities na itatampok ng programa. Lahat sila ay magbabahagi ng kanilang istorya kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. Ibabahagi rin ng mga guest ang kanilang karanasan kung paano sila tinaguyod, nasaktan, tinuruan magmahal, at iba pang mga karanasan sa buhay na humubog sa kanilang pagkatao.

Ang My Mother, My Story ay personal para kay Boy Abunda at proud siyang gawin ito kasama ang kanyang team sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mapapanood na ang pilot episode ng programa ngayong Mother’s Day (May 12), tuwing Linggo, 3:15 p.m.-4:15 p.m sa GMA.

Jillian at Richard may individual awards mula sa Box Office Entertainment Awards 2024

Jillian
Jillian Ward and Ken Chan
Richard
Richard Yap

MAY bagong milestone ang hit GMA medical-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Nakatanggap ng pagkilala sina Jillian Ward at Richard Yap mula sa Box Office Entertainment Awards 2024.

Pinarangalan si Jillian bilang Daytime TV Drama Actress of the Year, habang si Richard naman ay kinilala bilang Daytime TV Drama Actor of the Year.

Sina Richard at Jillian ay napapanood sa serye bilang mag-ama na sina Doc RJ at Doc Analyn.

Noong 2023, kinilala ang Abot-Kamay Na Pangarap bilang Television Drama of the Year sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards.

Sa parehong taon, nakatanggap ng pagkilala si Jillian at co-star niya na si Ken Chan mula sa Anak TV Awards.

Bukod dito, kinilala ang kanilang programa bilang Household Favorite Television Program.

Mon bilib sa younger stars na kasama sa ‘Makiling’

Mon
Mon Confiado with Elle Villanueva

HINDI maitago ng award-winning actor na si Mon Confiado ang kaniyang pagkabilib sa younger co-stars niya sa revenge drama na Makiling.

Ang Makiling ay pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Kasama nila rito ang next-generation kontrabidas na sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro. Nagtapos na ito noong nakaraang Biyernes.

“Iba-ibang generation na ‘yung nakatrabaho ko pero masasabi ko talaga na itong team ng Makiling ay ibang klase talaga ‘yung dedication nila.

“Ako’y naa-amaze kasi parang noong nagsisimula ako na mag-artista hindi ako ganun mag-isip pero itong mga batang ‘to talagang grabe ‘yung dedication nila at ‘yung passion nila sa craft nila. Nagre-reflect talaga sa trabaho nila e. Bilib na bilib ako sa kanilang lahat,” proud na sinabi ng batikang aktor.

Ayon pa kay Mon, honored siya na maging parte ng nasabing revenge series na talagang tinutukan ng mga manonood sa GMA Afternoon Prime.

“Unang-una ako’y napaka-grateful na naging part ako ng Makiling. Maraming-maraming salamat sa laging pagbibigay sa akin ng magagandang role. Very proud ako simula pa lang nung nalaman ko na part ako ng Makiling noong pinitch nila ‘yung story at ito ngang makakasama ko sobrang pasasalamat at napakaganda ng naging karakter ni Doc Franco.”

AUTHOR PROFILE