Default Thumbnail

Magsasaka kulong sa rape ng special child, 13

August 25, 2021 Gil Aman 377 views

ARESTADO ang isang magsasaka na suspek sa panghahalay sa isang 13-anyos na babaeng special child sa Sta. Cruz, Laguna.

Samantalang ang batang biktima kasama ang isang kaibigan na naglalaro sa taniman ng palay sa Sitio Butuanan, Bgy. Gatid Sta Cruz, Laguna.

Sa ipinadalang report ni P/Lt. Col. Chitadel Gaouiran, hepe ng Sta Cruz police, kay Laguna Provincial Director P/Col. Serafin Petalio II, kinilala ang arestadong suspek na si Eric Ballon, residente sa nasabing barangay.

Si Ballon ay No. 1 Most Wanted Person sa Sta Cruz municipal level. Siya ay inaresto sa isinagawang Manhunt Charlie sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Mary Jean Cajandab, ng Regional Trial Court, Branch 26, Sta Cruz, Laguna noong Hulyo 14, 2021.

Base sa tala ng Sta Cruz police, naganap ang umano’y pangagahasa noong unang Linggo na buwan ng Enero habang naglalaro ang biktima sa may palayan malapit sa kanilang bahay.

Ayon sa ipahayag ng ina ng biktima, sapilitan umanong hinatak ng suspek ang biktima sa isang madilim na bahay at doon hinalay.

Ang kalaro ng biktima ay inutusan umano ng suspek na umuwi sa kanilang tahanan.

Idinagdag pa ng ina ng biktima sa pulisya na pinagbantaan pa ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong sa magulang dahil may masamang mangyayari.

Nalaman ng ina ang umano’y panghahalay dahil sa kakaibang kilos ng kanyang anak at sa iniindang masakit na paglakad.

Sinabi pa sa report ni P/Lt. Gaouiran na ang arestadong suspek ay mahaharap sa kasong Anti Rape Law of 1997 (RA 8353) na kasalukuyang nakapiit sa Sta Cruz municipal jail.

Walang inirekomendang piyansa ang husgado sa paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE