Kulong

Mag-utol, 2 pa laglag sa shabu buy bust

March 25, 2024 Melnie Ragasa-limena 91 views

ARESTADO ang magkapatid na pinaghihinalaang ‘tulak’ ng ilegal na droga at dalawang iba pa sa entrapment sa Quezon City.

Nakakulong na sa Quezon City Police District Police Station 6 sina Efren Maque, 36; kapatid na si Shiela Mae, 39; at Joan Orongan, 40, pawang residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City at Arlane Velasco, 56 ng Brgy. 115, Caloocan City.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na may nagaganap na bentahan ng iligal na droga at nandoon ang mga suspek.

Noon na ikinasa dakong alas-11:30 ng gabi ang buy bust sa 127 Malaya St., Freedom Park, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Isang pulis ang nagsilbing poseur-buyer at bumili ng P200 halaga ng shabu.

Nang makumpirma na positibo ang operasyon agad na nakalawit ang mga suspek at nakuha sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000.00, dalawang cellphones, coin purse at buy bust money.

Ayon sa pulisya, nahaharap sina Efren, Shiela at Velasco sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang paglabag naman sa PD 1829 (Obstruction of Justice) si Orongan.