Parak Ang nakahandusay na biktima matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng truck sa kahabaan ng R.M. Boulevard, Sampaloc, Manila.

PARAK SUMALPOK SA TRAK, DEDO

March 25, 2024 Jonjon Reyes 114 views

DEAD on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 42-anyos na miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang sumalpok sa likurang bahagi ng trailer truck sa westbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sakop ng Sampaloc, Manila, madaling araw ng Linggo.

Nakilala ang biktima na may asawa at naka-assign sa Health Service sa Camp Crame at residente ng Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 2:15 ng madaling araw ay binabagtas ng biktima lulan ng kanyang motorsiklo ang nasabing lugar nang siya’y sumalpok sa likurang bahagi ng truck.

Ayon naman sa salaysay ng driver ng Isuzu trailer truck, habang sila ay nakahinto sa kahabaan ng westbound lane ng nasabing lugar dahil sa naka-stop ang ilaw ng trapiko ay biglang may sumalpok sa kanilang likurang bahagi na nagresulta sa aksidente ng pulis.

Agad isinugod ang biktima sa Ospital ng Sampaloc ng mga rumespondeng ambulansiya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) subalit dakong 3:26 ng madaling araw nang ideklarang dead on arrival ng doktor ang biktima.

AUTHOR PROFILE