Bakuna

LIBRENG BAKUNA KONTRA RABIES

March 25, 2024 People's Tonight 342 views

Nagsagawa ng libreng bakuna kontra rabies at deworming (purga) ang San Miguel Corporation Animal Pet and Health Care team sa pangunguna ni Dr. Ted Rarilio para sa mga aso at pusa na nasa pangangalaga ng Fur Angel’s Home animal shelter sa San Mateo, Rizal noong Sabado. Mahigit isang daan sa mga aso at pusang ito ang nasagip mula sa iba’t ibang klaseng pang-aabuso at umaasang mabigyan ng panibagong buhay. Ang libreng pagbabakuna ay bahagi ng pakikiisa sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso batay sa Executive Order 84, Series of 1999.

AUTHOR PROFILE