Drugs NATYEMPUHAN–Nasa selda na ang suspek sa ilegal na droga matapos na matimbog sa Sta. Ana, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki laglag sa P149K shabu

March 25, 2024 Jonjon Reyes 67 views

SWAK sa selda ang 21-anyos na lalaki dahil sa 22 gramo ng shabu na aabot sa P149,600 na nasamsam sa kanyang pagkaka-aresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6 sa panulukan ng Augusto Francisco St. at Eloriaga St. sa San Andres Bukid, Manila noong Sabado.

Kinilala ni Police Lt.Col. Dionelle Brannon, hepe ng MPD- Sta. Ana police, ang suspek na si alyas Zoren, ng Caliwag St., Pinaglabanan, Pasig.

Bandang alas-10:25 ng gabi ng matiklo ang suspek sa buy bust na pinamunuan ni Police Captain Renz Krizztofer Figerroa, hepe ng SDEU.

Himas rehas na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag na Section 5 at Section 11 (Sale and Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE