Default Thumbnail

Mabuhay Rotary Club of Malate Prime

August 1, 2022 Marlon Purification 347 views

Marlon PurificationMULING umarangkada ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP) na nasa ilalim ng Rotary International District 3810 sa pagbibigay ng ayuda at suporta sa pulisya, gayundin sa mga residente sa probinsiya ng Quezon.

Bahagi ang proyektong ito sa tinagurian nilang Rotary’s 6-areas of focus.

Sa pamamagitan ng kanilang tagapangulo na si Phenominal Leader Roland Lim, namahagi ang RCMP ng tatlong electronic scooters (e-scooter) at limang kahon ng face masks sa Area Police-Command-Southern Luzon (APC-SL) na pinamumunuan ni Police Major General Rhoderick Armamento sa Quezon.

Ang turnover ng donasyon ay isinagawa kamakailan sa APCSL headquarters sa Lucena City at sinaksihan mismo nina RCMP Sec./PP Lea Botones at Rtn Nick Marcaida at mga opisyales ng pulisya.

Nagpasalamat si Armamento kay Lim at sa RCMP sa suportang ibinigay nito sa kapulisan, lalo na sa mga e-scooters na malaking bagay upang magamit pagpapatrolya.

Noong nakalipas na Hulyo, nagsagawa rin ang RCMP ng feeding program, at slippers and toys distribution kung saan daang bata ang nabigyan. Sinundan ito ng tree planting sa Umahan Resort sa Brgy. Bataan, Sampaloc, Quezon.

Kaalinsabay ito sa isinagawang team building ng RCMP.

Para kay Lim, naging matagumpay ang kanilang proyekto dahil napagsabay nila ang pagtulong sa nangangailangan at kasiyahan ng kanilang samahan.

“Productive ang RCMP,” ani Lim.

Si PLP Roland Lim na kilala ring negosyante ay nanumpa bilang bagong pangulo ng RCMP para sa Rotary Year 2022-2023 kay Phenomenal District Governor Joyce Ambray sa katatapos na District 3810 Handover ceremonies sa Okada Manila noong Hulyo 1, 2022.

Si Lim, itinuturing na isang pilantropo ay kabi-kabila ring nagpahatid ng tulong sa Pasay City Police ng mga rice and canned goods noong kasagsagan ng pandemya.

Namahagi ito ng mga wheelchair at face mask sa Operation Tulong ng DZRH.

Kasama naman ang maganda, mabait at masipag na maybahay na si Ava Lim, ang pilantropong si Roland ay nagkaroon ng food feeding at namahagi rin ng tsinelas at laruan sa mga kabataan sa Sampaloc, Quezon.

Sa tulong ni Rotary District Governor Joyce Michele Ambray ay inilunsad ang Imagine Rotary na namahagi rin ng mga face mask, wheel chairs at bigas sa iba’t ibang police stations ng Southern Police District at Quezon Police Provincial Office.

Sa mga tulong na ginagawang ito ni Roland Lim at ng Rotary Club of Malate Prime, bigla ka na lang mapapabulong sa sarili na ‘sana all!’

Iyong sana, lahat ng mayayaman ay katulad nina Roland Lim na hindi nagdamot at nagsasawang tumulong sa ating mga kababayan.

Good luck, Rotary Club of Malate Prime and Roland Lim, sumasaludo po ang ‘Uncovered’ sa inyo, mga boss!

Sana dumami pa ang lahi n’yo!