Default Thumbnail

Mga buntis, bata ligtas sa evacuation centers

August 1, 2022 Erwin Tulfo 375 views

TulfoHUWAG po kayong mag-alala mga kababayan. Sa gitna ng pinsala na dulot ng 7.0 lindol sa Northern Luzon noong Miyerkules, hindi po nakaligtaan ng inyong abang lingkod ang kapakanan ng mas vulnerable na mga biktima tulad ng mga buntis at mga bata.

Sinigurado po ng inyong abang Kalihin ng DSWD na may ligtas na espasyo o safe spaces sa mga evacuation centers para sa mga buntis, nagpapagatas ng mga anak at mga bata.

Bilang dagdag proteksyon sa kanila, may mga personnel na magbabantay o magsisilbing security upang masigurong hindi sila maabuso. maaapi o maha-harass habang nasa evacuation centers.

Agad po nating binisita ang Abra, ang epicenter ng lindol, upang mamahagi ng food packs at pinansiyal na ayuda sa mga biktima.

Sa Ilocos Region, napag-alaman po ng inyong lingkod na may 11,000 katao ang naapektuhan ng lindol. Walongdaang pamilya naman ang nasa evacuation camps.

Sa Cordillera Administrative Region, mga 36,000 ang apektado ng lindol kung saan 3,400 ang nasa evacuation camps.

Upang maibsan ang kanilang paghihirap makakatanggap ang mga biktima ng lindol ng P5,000 hanggang P10,000 ayuda mula sa DSWD, bukod sa food packs at iba pang relief items.

AUTHOR PROFILE