Lovely

Lovely buntis sa unang anak nila ni Benj

January 25, 2023 Aster Amoyo 1155 views

Lovely1Lovely2AFTER two years of being married, celebrity couple Lovely Abella (36) and Benj Manalo (27) are finally having their own baby dahil going 7 weeks na ang ipinagbubuntis ngayon ng dancer, host, actress at entrepreneur.

Magkahiwalay na ibinalita ng mag-asawa sa kanilang Instagram account ang magandang balita na naging second wedding anniversary gift sa coupl. Ang mag-asawa ay ikinasal nung January 23, 2021 after almost six years in a relationship

Ang mag-asawa ay parehong may tig-isang anak sa kanilang previous relatioships – sina Crisha Kaye (kay Lovely) at si Nathan (kay Benj). Parang tunay na magkapatid ang turingan ng dalawa at excited na rin sila sa paglabas ng kanilang baby sibling.

Hindi ikinakaila ng mag-asawang Lovely at Benj na ipinagdasal nila sa Diyos na sila’y mabiyayaan ng anak.

Si Benz na isa ring dancer, actor at comedian at isa sa mga anak ng singer, actor-comedian na si Jose Manalo. Kapatid din niya ang isa pang actor na si Nico Manalo.

Female celebrity umaasang makakabangon sa panloloko ng mister

ISANG kilalang couple ang tiyak na sasambulat ang break-up anytime soon dahil sa ginawang panloloko ng mister sa kanyang misis na lately lamang na-discover ng huli. Matagal na pala siyang niloloko ng mister gamit ang perang kanyang kinita at pinagpaguran.

Sa sobrang tiwala ni female celebrity sa kanyang mister, never niya itong kinuwestiyon pagdating sa pera only for her discover later na wala pala silang naipon dahil nilulustay ng kanyang husband lahat ng kanyang kinikita.

Sa mata ng ibang tao at maging sa female celebrity ay may trabaho sa pamahalaan ang lalake dahil parati itong may ka-meeting na iba’t ibang personalidad (from the government).

In fairness, maganda ang PR ng guy at marunong itong makisama kahit kanino at walang mag-iisip na meron pala itong `shady character’ na ultimo misis niya ay hindi alam.

Dahil sikat si babae at hindi ito nawawalan ng trabaho hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa, aakalain ng marami na maganda ang takbo ng buhay nito including a beautiful house, cars, furnitures at iba pang investments only for us to find out na hanggang ngayon ay nagre-rent lamang sila ng bahay at simple lamang ang kanilang mga kagamitan.

Mabait, masipag, mahusay sa kanyang since she was a kid hanggang sa kanyang paglaki at pag-aasawa ay hindi siya naging masuwerte.

Being a kind-hearted and God-centered person, isa kami sa umaasa na makakabawi rin ang female celebrity.

Sobra man siyang nasaktan, positibo ang pananaw ni female celebrity na makakabangon siya sa bagong hamon na dumating sa kanilang buhay ng kanyang mga anak.

Elisse at NcCoy namataang muling magkasama

KAMAKAILAN lamang ay namataan ang separated couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon kasama ang kanilang one-year-old daughter sa isang restaurant na naging daan para mag-speculate ang netizens na nagkabalikan ang dalawa.

Mixed ang naging reaction ng maram ipero mas marami ang natuwa kung totoo ngang nagkabaliktan ang (dating) mag-partner alang-alang sa kanilang anak.

Kung matatandaan pa, nagkahiwalay na rin noon ang (dating) magkasintahan pero muli silang nagkabalikan at kasunod na rito ang pagkakaroon nila ng anak na si Felize McKinzie until they finally decided na bumukod at magsarili bilang isang pamilya.

Just when everybody thought na okey ang takbo ng relasyon ng dalawa ay muli silang nagkahiwalay. Pero ang recent sighting sa dalawa with their daughter propelled rumors na muli silang nagkabalikan.

At 27, hindi na bata sina McCoy at Elisse kaya tiyak na alam nila pareho ang salitang commitment at responsibility sa kanilang pagitan laluna pagdating sa kanilang anak.

Gayunpaman, who are we to judge them? Sila ang nagpapatakbo ng kanilang buhay kaya sila rin dapat ang magdesisyon kung ano ang dapat gawin at hindi.

Isang Fil-Swiss banker ang nall-link ngayon kay KC

KCKC1KC2MARAMING followers ni KC Concecpion (36), ang kaisa-isang anak ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang natuwa nang makita ang dalaga na may kasa-kasamang Filipino-Swiss guy sa iba’t ibang okasyon. They were on a trip together sa Zurich, Swirtzerland kung saan umano naka-base ang guy na isang banker.

Matagal-tagal na ring loveless ang dalaga and there was even a time na pilit na nali-link ang singer, actress at entrepreneur sa Filipino-American rapper na si Apl.de.ap (Allan Pineda) but the singer-actress insists na magkaibigan lamang sila.

Kung sina Sharon at Gabby maging ang mister ngayon ng megastar nasi dating senador Kiko Pangilinan lamang ang masusunod, gusto na rin nilang magkaroon ng sariling pamilya si KC.

Ang Fil-Swiss banker na si Steve Michael Wuethrich na nga ba ang matagal nang hinihintay ni KC?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE