Abrenica

Vin at Sophie ikinasal na

January 26, 2023 Aster Amoyo 495 views

Abrenica1Abrenica2AFTER a decade of being together, celebrity couple Vin Abrenica (31) and Sophie Albert (32) finally tied the knot in an intimate church wedding nung Miyerkyules, January 25, 2023, almost two years matapos isilang ang kanilang firstborn na si Avianna Celeste on March 15, 2021.

Sina Vina at Sophie ay parehong produkto ng reality talent search na Artista Academy ng TV5 nung2012 kung saan sila ang tinanghal na winners.

Naging magkasintahan, nagkahiwalay pero muling nagkabalikan until they finally moved in together nung 2021.

Si Vin ay nakababatang kapatid ng singer-actor na si Aljur Abrenica na isa ring produkto ng isang reality talent search ng GMA, ang Starstruck in 2006 and won “The Ultimate Hunk”.

Dolly inisnab ng Oscars

INISNAB ng 2023 Oscars (95th Academy Awards) ng Amerika ang Filipino actress na si Dolly de Leon as Best Supporting Actress para sa dramedy movie na “Triangle of Sadness” na dinirek ng Swedish filmmaker na si Ruben Ostlund na isa sa nominees for Best Director for the same movie ng nasabing award-giving body. Nominado rin ang “Triangle of Sadness” for Best Picture and Best Screenplay.

Gayunpaman, thankful ang Filipino breakthrough actress to be nominated for Best Supporting Actress sa 80th Golden Globe Awards and the 76th British Academy of Film and Television Awards (BAFTA) at sa iba pang international award-giving bodies including the Los Angeles Film Critics Association Awards from which she won the award maging sa Gulbagge Awards, ang annual Sweden’s Film Awards na siyang equivalent sa Academy Awards ng Amerika.

Sayang nga lamang at hindi personal na tinanggap ng Filipino actress ang award which was received on her behalf ng casting director na si Pauline Hansson.

Bukod sa Golden Globe Awards, BAFTA, si Dolly ay nominado rin sa Satellite Awards at sa National Society of Film Critics sa Amerika.

Despite the Oscars, isang malaking karangalan for the Filipino actress dahil sa kanyang kauna-unahang international movie ay nakagawa kaagad siya ng ingay globally and has been pitted alongside Hollywood heavyweights.

It was in May 2022 nang lumagda ang Filipino stage, TV and film actress sa Fushion Entertainment, isang talent agency sa Amerika who will represent her sa kanyang future international projects.

Maja at Rambo ikakasal na

MajaMaja1ACTRESS, dancer, host, celebrity endorser and entrepreneur Maja Salvador (34) is marrying her fiancé businessman Rambo Nunez (35) this year after the couple got engaged in April 2022 while they were on a summer vacation in Palawan.

Bukod ditto, hindi pa nagbibigay ng detalye ang couple tungkol sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Maja and Rambo met sa isang concert ng Pop superstar na si Sarah Geronimo, became a couple and separated in 2010 after in a relationship for a short period of time. Pero nagkabalikan ang dalawa in 2018 and became inseparable since then.

It was Rambo who encouraged Maja to put up her own talent management company in 2021 at dito nabuo ang Crown Artists Management (CAM) kung saan ang actor na si John Lloyd Cruz ang nangunguna sa listahan ng talents ng kumpanya.

Marami ang umalma noon nang tanggapin ni Maja ang hosting job ng katapat na programa ng “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN along with Piolo Pascual na parehong resident mainstays ng programa pero pinangatawanan ng actress, dancer, singer at entrepreneur ang kanyang nagging desisyon na maging isang independent artist mula sa kanyang matagal na pamamalagi sa Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN.

Bukod sa pagiging abala sa CAM, si Maja ay regular co-host na rin ng longest-running noontime program na “Eat Bulaga” sa GMA at nagkaroon din siya ng special participation sa tumatakbong primetime action-drama series ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN, ang “Iron Heart”.

While she is open to working with her former home studio, ang ABS-CBN, bukas din siya sa posibilidad to work with other TV networks.

Si Maja ay isa sa mga dating homegrown talents ng ABS-CBN.

JC hinihintay na ang pangalawang anak

JCJC1JC2KAPAMILYA actor JC de Vera is expecting his second child, another girl sa kanyang wife na si Rikka Cruz. Ang kanilang panganay na si Lana Athena ay 4 years old na.

JC and Rikka got married in a civil wedding ceremony in 2018 na sinundan ng church wedding nung September 21, 2021.

Samantala, kung hindi marahil pinasok ni JC ang showbiz ay isa itong sikat na basketball player ngayon.

When he graduated from high school sa Colegio de San Agustin in Makati City, he was offered a scholarship sa Colegio de San Juan de Letran to play for their basketball team pero ito’y tinanggihan ni JC dahil mas gusto niyang maging isang actor.

Although he started sa bakuran ng GMA, lumipat siya ng TV5 kung saan siya namalagi ng tatlong taon bago lumipat ng ABS-CBN.

Raymond sa Paris nag-birthday kasama ang American boyfriend

RaymondRaymond1Raymond2WHILE actor Richard Gutierrez spent his 39th birthday with his family – wife Sarah Lahbati and sons Zion and Kai, his twin brother host and entrepreneur Raymond opted to celebrate in Paris, France together with his American boyfriend, Robert William.

It was in August 2021 when he finally admitted to the public about his sexual preference. He got the support of his family and friends and is happier now.

Raymond is proud of his twin brother Richard, his family and successful career in the same manner na masaya at proud brother din si Richard for him.

Freddie bakit tinikis ang anak na si Maegan?

SINGER Maegan Aguilar has been estranged from her father, OPM icon Freddie Aguilar since she was 16. She has three kids from her three ex-partners.

Being a father, marami silang hindi napagkasunduan ng anak laluna na sa mga ginagawa nitong hindi maganda. Ito umano ang dahilan kung bakit minabuting pabayaan na niya ang anak na magdesisyon at gawin ang gusto niya, not because he doesn’t care for her kundi gusto umano ni Freddie na matuto ito sa buhay.

Kamakailan lamang ay dumulog si Maegan sa radio-TV program ni Sen. Raffy Tulfo, ang “Raffy Tulfo in Action” at humihingi ng tulong dahil ayaw umano siyang tulungan ng ama.

Although tinawagan ng programa si Freddie, hindi ito nagbigay ng pahayag.

Knowing Freddie, tiyak na hindi rin nito matitiis ang anak.

Ang kailangan lamang siguro ni Maegan ay magsimulang baguhin ang sarili.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE