Joaquin

Joaquin, handang bumangga kay Isko

January 25, 2023 Vinia Vivar 259 views

Isko

Kapag nagkataon, magsasalpukan sa takilya ang mag-amang Isko Moreno at Joaquin Domagoso dahil sa pelikula nila na pareho pang may political color.

Gaganap si Isko bilang Ninoy Aquno sa Martyr or Murderer (MoM) ni Darryl Yap habang si JD (palayaw ni Joaquin) ay kasama naman sa musical film na Ako Si Ninoy written and directed by Vince Tanada.

Natanong nga si JD sa mediacon ng movie kamakailan kung handa ba siya sa banggaan ng mga pelikula nila at aniya, “Handang-handa po ako. Kasi I love what I have done here.”

Surprisingly nga ay hindi raw nila napag-uusapan ng ama niya ang tungkol sa pelikula nila bilang respeto na rin sa kani-kanilang trabaho.

“We haven’t even talked about the movie together. Kung nagawa ba niya ‘yun, ‘di namin napag-uusapan. Kahit nakikita ko siya everyday, nagtatrabaho po kami sa same office. Pero we never talked about this.

“Kasi ‘yun ‘yung respect na ibinibigay natin sa isa’t isa. Na alam namin, we’re both actors in the industry, both doing projects that might be fighting with each other,” pahayag ni JD.

Para sa young actor, hind raw tungkol sa away ng dalawang kampo (Aquinos and the Marcoses) ang kanilang pelikula.

“This movie is not about the fight. Ginagawa namin itong movie na ‘to para ipakita ang katotohanan (tungkol) kay Ninoy,” aniya.

Ginagampanan ni JD sa movie ang role na Yosef habang ang gaganap naman na Benigno “Ninoy” Aquino ay si JK Labajo.

Hatid ng Philstagers Films, showing na ito sa mga sinehan soon.

Kasama rin sa cast sina Sarah Holmes, Cassy Legaspi, Marlo Mortel, Johnrey Rivas at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE