Pops

‘Lolli’ Pops, atat makita si Baby Finn

January 8, 2024 Vinia Vivar 147 views

Masayang-masaya humarap sa entertainment press si Pops Fernandez sa grand mediacon kahapon para sa kanyang comeback concert na Always Loved dahil bukod sa first major concert niya ulit ito after 12 years, isa na siyang ganap na lola.

Nagsilang ng isang healthy baby boy ang misis ng panganay na anak nila ni Martin Nievera na si Robin Nievera.

Aniya ay hindi pa niya nakikita ang kanyang apo na “Finn” ang nickname.

“Hindi ko pa nakikita si Baby Finn pero excited akong makita siya, excited akong mahawakan siya, makarga siya. I think, that’s the only time I will really feel na certified ‘lolli’ ako,” sey ni Pops.

“Lolli” raw ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo.

Sey pa ng Concert Queen, alam na alam niya na baka maiyak siya kapag nakita niya for the first time ang kanyang apo.

“Alam na alam ko na kapag nangyari ‘yan, hindi ko mapipigilan ang iyak ko dahil iyakin naman talaga ako by nature especially when it comes to my family,” aniya.

Inamin din niyang nasesenti (sentimental) siya dahil hindi pa niya ma-imagine na ang kanyang panganay na anak ay isa nang dad.

Samantala, excited at kabado rin si Pops sa kanyang comeback concert na anniversary concert na rin dahil she’s celebrating her 40th year in showbiz this year.

Always Loved will be happening on Feb. 9 and 10 at The Theatre in Solaire with Martin Nievera and Gary Valenciano as special guests.

AUTHOR PROFILE