Xian

Xian sa breakup kay Kim: Everything happens for a reason

January 8, 2024 Vinia Vivar 603 views

Sa grand mediacon ng bagong serye ng GMA-7 na Love. Die. Repeat. na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim, hinihintay ng lahat na magsalita ang aktor hinggil sa breakup nila ni Kim Chiu lalo pa nga’t ito ang kanyang first presscon matapos nilang ianunsyo ang kanilang hiwalayan.

Pero since very private naman talaga si Xi noon pa at tungkol sa proyekto naman ang presscon, hindi na ito napag-usapan pa na understandable naman.

Natanong na lang ang aktor kung katulad din ba ng title ng serye, sa totoong buhay ba ay mayroon siyang gustong i-repeat pagdating sa pag-ibig.

“I think in life, everything happens for a reason. ‘Yun lang naman po ‘yun. Hindi man umulit or umulit man, everything’s gonna happen for a reason,” ani Xi.

Diretsahan siyang tinanong kung pwede bang mag-repeat ang love niya for Kim at sagot ng aktor, “Lahat nga po ng pangyayari sa buhay, everything happens for a reason. So, we just have to move forward kung anuman po ‘yun.”

Kumusta siya ngayon?

“Of course, dapat naman talaga, okay tayo,” aniya.

Kumusta ang puso niya ngayon?

Tumango at ngumiti lang ang aktor.

Tinanong namin kung ano ang plano niya for 2024, ani Xi ay magpapaka-busy siya.

“I think, plans for 2024, dapat lang na keep on working. ‘Yun naman po ang gusto natin, work on yourself and just keep on (doing) different things, doing different projects, keeping busy,” nakangiti niyang sey.

Nang matanong kung nasaan siya ngayon, moving forward, moving on or has moved on, sagot ng aktor, “Kailangan lang po talaga nating maging masaya. Unahin muna natin ang sarili.”

Masaya ba siya ngayon?

“’Yun lang po, maraming, maraming salamat po,” paiwas na sagot ni Xi.

Samantala, masaya ang aktor na natuloy na rin finally ang pagsasama nila ni Jen na three years ago pa sana natapos.

Ito sana ang kanyang first project sa GMA-7 kung hindi nabuntis si Jen sa first baby nila ni Dennis Trillo at pansamantala nga itong natigil.

HInintay ni Xian ang availability ni Jen dahil aniya ay big fan siya ng aktres noon pang hindi siya artista at pangarap niya talaga itong makatrabaho.

Magsisimula na ang Love. Die. Repeat. sa Jan. 15 bilang opening salvo ng GMA-7.

AUTHOR PROFILE