Lotlot

Lotlot, napagalitan ni Nida sa pagiging late

January 8, 2024 Vinia Vivar 128 views

Happy si Lotlot de Leon na sumuporta sa baguhang si Geraldine Jennings sa launching film nito na Isla Babuyan.

Kasama si Balot sa cast ng movie at ginagampanan niya ang role na ina ng karakter ni Geraldine.

Ayon sa aktres, siyempre ay nagsimula rin siya sa pagiging baguhan noon at sinuportahan din siya ng mga veteran star natin.

She was only 14 years old nang magsimula sa showbiz at during that time, siyempre ay marami pa siyang hindi alam. Kaya naman, may mga pagkakataong napapagalitan din siya ng mga nakatatanda.

Naikwento nga ni Balot sa mediacon ng Isla Babuyan na noong baguhan siya ay napagalitan siya ng veteran actress na si Nida Blanca (RIP) noong nabubuhay pa ito dahil sa pagiging late.

“I remember, noong nagsisimula ako, sobrang lagare ako no’n as in sobra and we were doing Prinsesang Gusgusin. Napagalitan ako ni Tita Nida, may she rest in peace, Nida Blanca,” kwento niya.

Sinabihan umano siya ng yumaong aktres na dapat ay professional siya sa oras. Pero that time naman kasi ay sunod lang siya nang sunod kung ano ang sabihin sa kanya ng mga namamahala sa kanyang career.

‘Pag sinabing pumunta siya sa ganitong lugar, pupunta siya nang wala nang tanung-tanong.

Pero naging wake-up call din umano sa kanya ang insidente with Nida and since then ay naging mas mindful na siya sa kanyang schedule.

Hindi raw komo anak siya ng Superstar na si Nora Aunor at ni Christopher de Leon ay may special treatment na siya.

“Napapagalitan din po ako ng direktor, nasasabihan ako ‘pag nagkakamali ako,” she said.

Napagalitan din siya ni Direk Chito Roño at iyak siya nang iyak na feeling niya ay ayaw na niyang mag-artista.

Pero alam naman niya na ang mga pangaral at pangsisita sa kanya ay para rin sa ikabubuti niya at binaon niya ang mga advice na ito habang lumalaki at nagma-mature siya bilang aktres.

Anyway, sa Isla Babuyan ay kasama rin sa cast si Jameson Blake bilang leading man ni Geraldine.

Naroon din sina Nathalie Hart, Paolo Gumabao, Dave Borneo, Samantha da Roza at marami pang iba.

Produced ito ng Solid Gold Entertainment mula sa direksyon ni Abdel Langit.

AUTHOR PROFILE