Jenmer

Jennylyn, umaming natakot mapalitan sa GMA serye

January 8, 2024 Vinia Vivar 183 views

After three years, nagbabalik si Jennylyn Mercado sa primetime TV dahil ipalalabas na ang long-overdue teleserye nila ni Xian Lim na na-shelve for a while dahil aksidente ngang nabuntis ang aktres sa first baby nila ni Dennis Trillo habang ginagawa nila ang project.

Nagkaroon na ng grand mediacon ang serye kahapon at masayang-masaya si Jen sa kanyang pagbabalik. Sobrang thankful din siya na hinintay siya ng GMA-7 at ng buong cast para maging available siya.

“Siyempre, nagpapasalamat ako na hinintay ako ng GMA, hinintay ako ni Xian. Kasi siyempre, pwede naman po akong palitan, ‘di ba? Ilang araw pa lang naman ‘yung nasu-shoot namin,” ani Jen.
Aminado ang Kapuso Ultimate Star na kinabahan din siya na baka palitan siya sa serye.

“Kinabahan ako kasi sabi ko, ‘naku, baka hindi na ibigay sa akin.’ Ang ganda pa naman ng project. Tapos, first time kong makakasama si Xian. So, thankful ako na binigay pa rin nila sa akin ‘to,” sey ni Jen.

Kakaiba ang kwento ng Love. Die. Repeat dahil naka-stuck ang kanilang karakter sa time loop at paulit-ulit na nangyayari ang mga insidente sa kanilang buhay.

Asked kung sa totoong buhay ay may pag-ibig ba siya na namatay at inulit, ani Jen, ganito nga ang nangyari sa kanila ng mister niyang si Dennis.

Naghiwalay na nga sila before and nagkabalikan lang uiit.

“Kami ni Dennis, ‘di ba gano’n? ‘Di ba, nag-repeat? Nanalo ang pagmamahal,” aniya,

Ngayong 2024 ay magtutuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Jen at may gagawin din siyang dalawang pelikula plus may gagawin din siyang album sa Star Records.

Magsisimula na ang Love. Die. Repeat sa January 15. Bukod kina Jen and Xian ay kasama rin sa serye sina Mike Tan, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Malou de Guzman at marami pang iba mula sa direksyon ni Jerry Sineneng at Irene Villamor.

AUTHOR PROFILE