Zombabe

VIVA, PRODUCER OF THE YEAR PA RIN NG 2024

January 8, 2024 Jun Nardo 208 views

PATUTUNAYAN ng Viva Entertainment na sila pa rin ang Producer of the Year this 2024.

Aba, grabe, sunud-sunod ang pelikulang ipalalabas ng Viva Films this year sa iba’t ibang paltforms at winner na winner ang casting ng mga ito, huh!

Naniniwala ang Viva na marami pa rin ang nag-e-enjoy manood ng movie sa mga sinehan matapos maisara ang cinemas dahil sa COVID 19 pandemic.

Na-inspire pa ito sa malakas na turn out ng crowds ntong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) na umabot ng P1B ang gross receipts ng 10 entries, huh!

Unang handog ng Viva ang horror-comedy na My ZomBabe nina Empoy Marquez at Kim Molina na January 10 na ang showing sa halip na January 8.

Susundan ito ng pelikulang Road Trip ng magkakaibigang Janice de Belen, Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Carmina Villarroel.

Then ang Raging Grace ni Max Eigenmann; Itutumba Ka ng Tatay Ko ni Janno Gibbs at Xia Vigor, ang child sensation sa Miracle in Cell No. 7; My Sassy Girl nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.

Sa February naman ilalabas ang Aga Muhlach at Julia Barretto starrer na Ikaw Pa Rin Ang Mamahalin tampok ang musika ni George Canseco at ng pop band na Cup of Joe.

Nasa various stages of production naman ang Out of Order nina Alden Richards at Heaven Peralejo; Dearly Beloved ni Cristine Reyes, Glimpse of Forever nina Diego Loyzaga at Jasmine Curtis Smith, at Elevator Game ni Kylie Versoza at Paulo Avelino.

Naku, ang dami pang movies na naka-line-up ang Viva na ginagawa ngayon kaya abangan ang showing nila sa kumpanyang nagsimula noong 1982 at naging industry leader, huh!

AUTHOR PROFILE