Guess

Gwaping na young actor iniisnab na ang ‘booking’

January 8, 2024 Jun Nardo 140 views

BISI-BISIHAN na ang isang guwaping na young actor na may lahi dahil may project na siyang ginagawa.

Kaya naman hindi maharap ng young actor ang nagtatanong kung available siya sa ibang “booking.”

That time kasi na nganga siya sa trabaho, kinakausap niya ang kilala niyang aktor na suma-sideline sa ibang “booking” para magkapera.

Palibahasa guwapo at malakas ang dating, marami ang nag-aagawan sa kanya.

Pero nang may gustong mag-book sa kanya, hindi muna siya pumayag.

Pass muna dahil may kinikita na siya. Saka na lang daw kapag wala na siyang datung para sa luho niya, huh!

AUTHOR PROFILE