Paolo

PAOLO, NA-PRESSURE SA AGAWAN NG TITULO

January 8, 2024 Vinia Vivar 137 views

Sinabi ng manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis na pressured si Paolo Contis dahil sa naging pag-aagawan sa titulo ng Eat Bulaga na pino-produce ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) at umeere sa GMA-7.

“Parang pressured siya sa nangyayari sa Eat Bulaga dahil nga sa titulo na parang pinag aagawan. Kahit ano pa ipalit na title hindi na mababago na natatak narin iyon Eat Bulaga sa dalawang programa,” ang saad ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram.

“’Pag itatanong mo ano pinanuod, ‘ang Eat Bulaga sa GMA o Eat Bulaga sa TV5’ iyon lang maririnig mo,” patuloy ng veteran entertainment columnist/manager.

Aminado naman si ‘Nay Lolit na malaki ang nagawa ng nasabing noontime show sa kanyang alaga at parang lumebel na nga umano kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang premium nito bilang host.

Naging financially stable rin daw ang aktor dahil dito.

“Malaki ang nagawa ng noontime show kay Paolo Contis. Iyon premium niya as a host parang naging sinlaki ng TVJ.

“Naging malakas ang energy niya, nagkaruon ng disiplina na gumising ng maaga at financially very stable siya dahil sa additional income niya,” sey ni ‘Nay Lolit.

Naging maganda rin daw para sa televiewers ang kumpetisyon ng talong noontime shows.

“Saka naging mas healthy ang competion ng maging tatlo ang noontime program. Now pagalingan sila ng production numbers, inviting of guests, at medyo binabawasan na ang pag absent ng mga main hosts.

“Magandang tatlo sila na pinagpipilian ng mga TV addict na tulad ko. Ngayon 2024 mas pipilitin pa ng mga noontime shows na ma attract ang viewers. Promise ng mas magandang show pa ang ihahandog nila. Kaya nga mas matindi pa ang magiging laban. Bongga,” pagtatapos ng beteranang kolumnista.

AUTHOR PROFILE