Diego

Himutok ng ina ng anak ni Diego, viral sa social media

January 8, 2024 Vinia Vivar 166 views

Viral ngayon sa social media ang mga naging pahayag ng yoga teacher at model na si Alexis Suapengco, ina ng anak ni Diego Loyzaga na si Hailey.

Sunod-sunod ang post ni Alexis sa kanyang Instagram Stories na tila nagsusumbong.

Aniya, pinalayas siya at ang anak nila ni Diego dahil sa isang girl na nagngangalang Cecile Mendoza.

“So my baby Daddy @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over (red heart emojis),” pahayag ng rumored partner ni Diego.

Sa ibaba ay makikita ang profile ng social media page ng girl na tinutukoy niya.

Kasunod nito ay nag-post siyang muli na binabantaan umano siya ni Diego.

“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw (clapping hands emoji) ok boy bye,” aniya.

Matatandaan na unang isinapubliko ni Diego ang kanyang anak noong June, 2023 nang mag-post siya ng larawan niya na karga-karga niya ang kanyang baby.

AUTHOR PROFILE