Sextortion Source: PNP FB

Lalaki tiklo sa ‘sextortion’ sa Tanauan

April 4, 2024 Jojo C. Magsombol 130 views

TIMBOG ang isang lalaki dahil sa ‘sextortion’ sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batanga, noong Martes.

Ayon sa pulis, humihingi ng P30,000 ang suspek na si alyas Del sa isang Anne, 20, para hindi ilathala at pagtatanggal ng sex video scandal ng babae.

Dalaga, college student at kasalukuyang naninirahan sa Purok 4, Brgy. Santol, Tanza, Cavite ang biktima, ayon sa pulis.

Humarap sa Tanauan police ang biktima kasama ang kanyang mga kaanak at tauhan ng Tanza police dakong alas-6:40 ng gabi.

Nagsagawa ng operasyon bandang alas-8:30 ng gabi ang mga operatiba ng Tanauan City at Tanza police na humantong sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang isang iPhone-13 at marked money.

AUTHOR PROFILE