Default Thumbnail

6 huli sa ilegal na sugal sa Batangas

April 4, 2024 Jojo C. Magsombol 99 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Anim katao ang nadakma ng mga pulis kamakailan dahil sa pagsusugal sa Brgy. Majuben, Mabini, Batangas.

Hindi na nakaporma ang mga natimbog, ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte, na nakilalang sina alyas Edmon, alyas Jon Wayne, alyas Danilo, alyas Mara, alyas Marina at alyas Wacky.

Nasakote ang anim bandang alas-10:20 ng gabi ng nagsagawang anti-illegal gambling operation ang Batangas Provincial Police Office sa pangunguna ni P/Maj. Joseph Morales.

Nakumpiska sa kanila ang isang ng beto-beto board, platito na may takip, tatlong dice at pera na nagkakahalaga ng P450, isang color game board, color game table at tatlong colored dice.

AUTHOR PROFILE