Balagtas

236th birthday ni Balagtas ginunita sa Bataan

April 4, 2024 Christian D. Supnad 135 views

ORION, Bataan–Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggunita sa ika-236 kaarawan ni Francisco Balagtas Baltazar sa bayang ito.

Highlight ng selebrasyon ang pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni Balagtas.

Binigyang diin ni KWF president Arthur Casanova ang kahalagahan ng paggunita sa buhay at mga pamana ni Balagtas.

Dagdag pa niya, isinusulong ng KWF ang paggunita sa Pambansang Araw ni Balagtas upang ipaalala sa mga Pilipino, lalung-lalo na sa kabataan, ang pagpapayaman ng panitikan ng bansa at pagpapamalas ng pagpapahalaga sa kultura, pagkakilanlan at kayamanang pamana ng wikang Filipino.

Isinilang sa Bulacan si Balagtas at ikinasal sa isang dalagang nakatira sa Orion.

Sa Bataan siya nanirahan at naging produktibo sa kanyang sining na nagsilbing inspirasyon sa ilan sa kanyang mga akda tulad ng “Florante at Laura.”