Kylie

Kylie may bagong nagpapasaya

April 2, 2024 Eugene E. Asis 104 views

Kylie1MUKHANG hindi na itinatago ni Kylie Padilla ang bagong pag-ibig.

Sa kanyang Instagram account, nag-post siya ng ilang larawan na halatang kuha sa Japan kung saan namumukadkad ang cherry blossoms.

Sa isang report, inamin ni Kylie kung sino ang namataang kasama niya: “‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon.”

Sa caption ng kanyang mga litrato, simple lang ang pahiwatig: “Through his lens.”

Gayunman, hindi pa binabanggit ni Kylie kung sino ang may hawak ng ‘lente’ ng kanyang buhay ngayon.

Pero halatang masaya uli si Kylie matapos ang kanilang paghihiwalay nila noong 2021 ng dating mister na si Aljur Abrenica kung kanino siya may dalawang anak, sina Alas at Axl.

Mukhang hindi niya kasama sa naturang lakad sa ibang bansa ang dalawang anak.

Samantala, napabalitang ang sexy actress na si AJ Raval ang ipinalit ni Aljur kay Kylie sa puso niya, pero wala nang ,masyadong naririnig tungkol sa kanila ngayon.

AUTHOR PROFILE