Beaver

Beaver sinulit ang Holy Week break

April 2, 2024 Ian F. Fariñas 72 views

SINULIT ng showbiz newbie na si Beaver Magtalas, male lead star ng pelikulang When Magic Hurts, ang pagpapahinga nitong nakaraang Holy Week.

Sobra kasing naging hectic ang schedule ng binata the past weeks dahil sa sunud-sunod na promo ng When Magic Hurts, pag-attend sa Star Magical Prom at taping ng bagong serye na hindi pa umano niya pwedeng i-share ang detalye.

Ani Beaver, “Pahinga and spend more time with parents” ang ginawa niya noong Semana Santa lalo pa nga’t sa todong ka-busy-han ay “halos hindi na po ako nakakatapak sa bahay.”

Ngayong nakapag-recharge na ang binata na binansagang Rico Yan ng bagong henerasyon, ratsada siya muli sa trabaho.

Sa Mayo nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang When Magic Hurts, kung saan kasama ni Beaver sina Maxine Trinidad, Mutya Orquia, Claudine Barretto, Dennis Padilla, atbp. sa direksyon ni Gabby Ramos.

AUTHOR PROFILE