Marven

MARVEN NANG-PRANK NG FANS

April 2, 2024 Ian F. Fariñas 104 views

MARAMING fans ang nabiktima ng April Fools’ Day prank ng magka-loveteam na Heaven Peralejo at Marco Gallo na ipinost sa Instagram.

Halos lahat sila, nakiusap na huwag maghiwalay ang dalawa.

Sa video upload, kunwari ay ina-announce ng MarVen ang breakup ng reel/real tandem nila.

Kesyo hindi na nila kayang makatrabaho ang isa’t isa at gusto nilang palawakin ang craft nila sa pakikipagpareha sa ibang mga artista.

Bandang huli, inamin din ng dalawa na prank lang ‘yon. Katunayan, nasa set sila ng bago nilang pelikula, ang Men Are From QC and Women Are From Alabang na ipapalabas sa mga sinehan simula May 1 sa direksyon ni Gino Santos.

Bukod dito, may cameo rin si Marco sa Sunny PH, Pinoy adaptation ng hit Korean movie, kung saan bida si Heaven kasama ang bagong henerasyon ng Viva stars tulad nina Bea Binene, Aubrey Caraan, Abby Bautista, Ashtine Ortiga, Ashley Diaz at Heart Ryan.

Showing naman ito sa mga sinehan simula April 10 mula sa direksyon ni Jalz Zarate at panulat ni Mel del Rosario.

AUTHOR PROFILE