Sarah

Sarah: I believe in karma

April 2, 2024 Ian F. Fariñas 72 views

HINDI nakaligtas si Sarah Lahbati sa maiinit at maiintrigang tanong ng entertainment press tungkol sa karma at paghihiganti sa grand mediacon kahapon ng comeback project niyang Lumuhod Ka Sa Lupa.

Dahil paghihiganti ang isa sa mga tema ng makabagong bersyon ng sikat na action masterpiece ni Carlo J. Caparas na unang nabasa sa comics at isinapelikula’t pinagbidahan ng yumaong si Rudy Fernandez noong 1980s, natanong nga si Sarah at ang cast kung naniniwala ba sila sa karma.

Anang estranged wife ni Richard Gutierrez, “I believe in karma. For me, personally, I think there’s nothing more expensive than peace. And we can’t get peace if we seek revenge. There’s power in prayer like what Tito Cupcake (Gardo Versoza, co-star ni Sarah) said and there’s a certain feeling na hindi mo makukuha by protecting your peace. And again, you don’t get that by seeking revenge.”

Kasama nina Sarah at Gardo sa star-studded cast ng Lumuhod Ka Sa Lupa sina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Rhen Escaño, Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Annika Co, Rose Van Ginkel, Jeffrey Hidalgo at Jeric Raval.

At dahil ito nga ang comeback vehicle niya sa pag-arte, natanong din si Sarah kung bakit at paano niya tinanggap ang papel ni Mercy, anak ng karakter ni Gardo na si Judge Benito Balmores na mauugnay sa kaaway/pamangkin nitong si Norman dela Cruz (Kiko).

Pahayag niya, “I think unang-una ‘yung timing. The timing of the TV series being presented to me felt very right. And then, of course, the content, the material, nu’ng binasa ko ‘yung material sabi ko parang… parang para sa akin ito. And ‘yun na nga when I started working on it with the whole team, our directors, the creatives and my amazing co-actors, it was a confirmation na I made the right decision. And, yes, kinabahan ako nu’ng first taping day. Matagal ko na ngang hindi ginawa ‘to. But it continuously feels right na everytime na magte-taping ako, it just feels right that I’m back with these people.”

Sobrang honored nga si Sarah na mapabilang sa seryeng ito na handog ng TV5, Studio Viva at Sari-Sari at mapapanood simula April 8, 2:30 p.m., sa Hapon Champion block ng TV5.

AUTHOR PROFILE