Cristy

Cristy: Ria tatlong buwang buntis

April 2, 2024 Vinia Vivar 70 views

Bago pa man ikasal sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ay mainit nang pinag-uusapan na preggy na ang aktres sa kanilang first baby.

Pero so far, hanggang ngayon na mag-asawa na sila ay wala pa tayong naririnig na kumpirmasyon (o denial) mula sa kanilang dalawa.

Sa programa ni Cristy Fermin sa One Ph, Radyo5 at Cignal Play ngayong Martes ay ibinalita niya na ayon sa kanyang source, tatlong buwan nang buntis si Ria.

“Tungkol po du’n sa pagdadalang-tao ni Ria Atayde, mas maganda po kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya,” simula ni ‘Nay Cristy.

“Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” patuloy niya.

Kung totoo ay magandang balita ito at sure kami na isa sa unang pinakamasaya ay si Sylvia Sanchez na noon pa sinasabing gusto na niyang magkaapo.

Kaya wait na lang tayo ng announcement na for sure ay gagawin din nila sooner or later.

AUTHOR PROFILE