Ivana

Ivana namudmod ng pera!

April 2, 2024 Vinia Vivar 93 views

Inulan ng papuri si Ivana Alawi matapos ilabas ang street prank vlog dahil hindi lang siya basta nang-prank kundi marami pa siyang natulungang tao.

Nag-ikot ang aktres/vlogger sa paligid ng Antipolo church at nagpanggap na nagbebenta ng sampaguita. Ang lahat ng bumili o tumulong sa kanya ay binigyan niya ng malaking pera bilang pasasalamat sa mga ito.

Bukod dito, inanunsyo niya na ang lahat ng kikitain ng kanyang vlog ay ido-donate niya sa Antipolo church.

“Please share this video at kung may makita kayong ads, please don’t skip kasi lahat po ng kikitain ng vlog na ito ay ido-donate natin sa Antipolo church,” aniya.

Kung bakit ito ang simbahang napili niya, aniya, espesyal sa kanya ang Antipolo church dahil tinupad nito ang kanyang kahilingan.

“Sobrang meaningful at sobrang special ng church na ito sa akin kasi nu’ng bata ako, siguro mga 14 or 15 years old, nag-alay lakad kaming dalawa ng ate ko. From Sta. Mesa all the way to Antipolo,” kwento ni Ivana.

“So, umabot kami ng eight hours sa paglalakad kasi hindi namin alam ‘yung daan. Ta’s nagsimula kami ng madaling araw, so wala kaming mga kasabay. Naalala ko, habang naglalakad ako papunta do’n sa simbahan na ‘yon ay nagwi-wish ako. May hinihiling talaga ako kay Lord na parang ‘Lord, sana matupad ‘tong pangarap ko.’”

Alam niya na sobrang imposible ng kanyang wish pero aniya, “Kung mangangarap na lang din ako, eh, di taasan ko na.”

Sey pa niya, “Guys, tinupad ni Lord ‘yung pangarap ko. Hindi ko na ikukuwento kung ano ‘yun pero tinupad Niya.”

Kaya naman sa tuwing magdarasal siya o magpapasalamat ay pumupunta siya sa simbahan ng Antipolo.

“Marami akong ipinagdarasal do’n, pumupunta ako lagi do’n. Kahit ito, recently. Pumupunta ako sa Antipolo church, magsidindi ng kandila, magdarasal, ta’s magpapasalamat talaga kasi, ewan ko, sobrang malapit talaga ako sa simbahan na ‘yon,” aniya.

Sa comment section ay abut-abot ang papuri ng netizens sa kabutihan ng puso ni Ivana kaya naman lalo itong sinusuwerte.

“Napaka generous talaga ni maam ivana… sana marami pang blessing dumating sayo maam ivana,.. dami mong natutulungan… godbless po,” anang isang netizen.

“Sobrang nakakatuwa makapanuod Ng ganito… Good Job Ms .Ivana. so pure and kind. The world is healing,” sey naman ng isa pang commenter.

“Sana maraming content pa po na ganito Ms ivana napakabuti niyo po, napakabuti ng puso niyo kaya sobrang bless po kayo yung blessing ng itaas at siksik,liglig at umaapaw sobra sobra… kasi napupunta sa mabuti at di po kayo nakakalimot mag share sa ibang tao… napaka humble down to earth lagi…,” papuri naman ng isa pa.

AUTHOR PROFILE