Kristel may problema sa Korean suitor dahil sa relihiyon

March 1, 2024 Aster Amoyo 229 views

Kristel1GUSTUNG-gusto na ng 29-year-old singer, actress at vlogger na si Kristel Fulgar ang kanyang Korean suitor (na ayaw niyang pangalanan) pero hindi pa niya ito matanggap dahil sa kanilang magkaibang religion. Pero matiyaga at willing to wait ang Korean guy until such time na handa na siya.

Miyembro ng INC si Kristel at hindi ito puwedeng makipagrelasyon na iba ang relihiyon.

Ang problema, mukhang matatagalan pa ito kung hindi magpapa-convert sa INC ang manliligaw ni Kristel.

Gustong-gusto na rin ng ina ni Kristel na si Emily Fulgar na magka-boyfriend and eventually magkaroon ng sariling pamilya ang anak.

Kamakailan lamang ay sinorpresa ni Kristel ang kanyang Korean suitor ng isang birthday cake and a box of goodies kung saan mga skin products at chocolates ang laman sa recent birthday nito in South Korea kung saan nag-stay ng ilang buwan ang singer-actress at popular social media influencer kung saan siya nag-aral ng Korean language and culture. It was in 2022 nang lumagda ang singer, actress at vlogger sa Five Stones Entertainment, isang talent management in South Korea.

Very comfortable na si Kristel sa South Korea kung saan na siya nakapag-guest sa local TV shows doon at kung saan din niya nakasalamuha ang mga kilalang K-Pop and K-drama stars and talents.

Although she’s still based in the Phlippines, bukas si Kristel na gumawa ng mga proyekto in South Korea.

Si Kristel ay nagsimula bilang child star sa pamamagitan ng now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at naging bahagi ng Star Magic ng ABS-CBN. Siya’y nagtapos ng Mass Communications sa University of Santo Tomas nung 2016.

It was in 2014 nang magsimula si Kristel sa kanyang pagiging vlogger. Aktibo rin siya sa iba’t ibang social platforms tulad ng Instagram, Twitter and Facebook.

Come December 29, 2024 ay magti-thirty years old na si Kristel.

Manoy Wilbert saludo kina Gelli, Sherilyn at Patricia

LeeSIMULA sa darating na Linggo, March 3, 7 a.m. ay matutunghayan na on GMA7 ang pinakabagong public service program na pinamagatang “Si Manoy ang Ninong Ko” hosted by businessman and public servant and Agri Partylist Rep. na si Wilbert T. Lee (as Manoy) kasama sina Gelli de Belen, Sherilyn Reyes-Tan at Patricia Tumulak as co-hosts.

Ang bagong programa ay tumatalakay sa mga problemang kinakaharap ng marami sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong pinansyal, medical, trabaho at iba pa.

Sa pilot episode ng programa ay ipakikita ang challenges na kinakaharap ngayon ng mga onion farmers in Pangasinan gayundin ang mga problemang nai-encounter ngayon ng mga volunteer sea guardians in Orani, Bataan.

Si Manoy Wilbert Lee ay maituturing na modern-day hero dahil sa kanyang pagiging matulungin sa mga taong nangangailangan. Ito umano ang nagbunsod sa kanya na pasukin na rin ang larangan ng public service para mas marami pang tao ang kanyang matulungan.

Sa pamamagitan ng programa, inaasahan din niya na may ibang mga taong may busilak ang puso ang nais tumulong sa mga kababayan nating nangangailan ng tulong at kalinga.

Saludo ang mga co-hosts ni Manoy Wilbert na sina Gelli, Sherilyn at Patricia sa kanyang adbokasiya na makatulong sa kapwa since he was a young boy in Sorsogon. Ang negosyong sinimulan ng kanyang ama ay may 35 staff lamang pero ngayon ay mahigit 3,000 na. Hindi lamang ang kanilang mga empleyado ang natutulungan nilang mabigyan ng trabaho kundi ito’y extended din sa kanilang mga pamilya.

Bukal na kay Manoy Wilbert ang pagiging matulungin sa kanyang kapwa kaya lalong lumalago ang kanilang mga negosyo.

May your tribe increase, Manoy Wilbert!

Jobelle ibinalita ang pagkamatay ng kapatid

JamesJobelSUMAKABILANG-buhay last February 29, 2024 ang nakatatandang kapatid ng Las Vegas, Nevada-based actress na si Jobelle Salvador na si James Leroy Jimenez Salvador sa edad na 66 dahil sa colon cancer na matagal nitong ininda.

“I am writing his message with profound sorrow. Our beloved brother, James, tragically passed away at 1:08 a.m. He bravely battled against colon cancer, enduring its agonizing challenges, and ultimately breathed his last in the presence of his family. I am humbly asking everyone to please say a prayer for my brother James’s soul and for his transition into enternal life,” post ng singer-actress sa kanyang FB account.

Samantala, kahit sa Las Vegas naka-base ngayon si Jobelle kasama ang kanyang two grown-up children na sina Miko at Julina, bukas pa rin umano siya na tumanggap ng mga TV and movie offers sa Pilipinas.

Si Miko ay anak ni Jobelle sa veteran broadcaster na si Erik Espina habang si Julina ay anak naman niya sa Japanese businessman, ang may-ari ng chain of Japanese restaurants in Japan including Botejyu na ang local franchise ay hawak ng Viva Foods, Inc.

Si Jobelle at ang kanyang mga kapatid (including her half sister na si Deborah Sun) ay nagmula sa kilalang Salvador clan in showbiz. Ama ng singer-actress ang yumaong actor-director na si Leroy Salvador, Jr. Tiyahin naman niya ang mga namayapang actress na sina Mina Aragon at Alona Alegre habang tiyuhin naman niya ang dating action star na si Phillip Salvador, talent manager at dating supervising producer na si Ramon Salvador maging ang yumaong ama ni Maja Salvador na si Ross Rival, among others. Pinsan bale ni Jobelle si Maja Salvador maging ang namayapang actor-director na si Ricky Rivero habang pamangkin naman sa pinsan si Janella Salvador.

Jerome inaming posible siyang ma-in love kay Krissha

JeromeHUMARAP ang bagong love-team ng Viva na sina Jerome Ponce at Krissha Viaje ng hit online TV series on Viva One na “Safe Skies, Archer” sa ilang members of the entertainment press and vloggers last Thursday afternoon para ipaabot ang kanilang pasasalamat sa pagiging surprise hit ng kanilang unang tambalan which will lead to more projects sa bakuran ng kanilang home studio, ang Viva.

Halos six months nang tumatakbo ang serye nina Jerome at Krissha na ikinagulat din ng Viva bosses maging silang dalawa.

“Nagpapasalamat po kami sa suporta ng aming mga Viva bosses at sa mga manonood. Kami din po ay nagulat,” pag-amin ni Krissha.

Parehong single sina Jerome at Krissha, posible bang ma-develop into something deeper ang kanilang relasyon?

“Oo naman po,” mabilis na sagot ng dating Kapamilya actor.

Sinabi ni Krissha na may ilangang factor sa kanilang pagitan ni Jerome nang simulan nila ang taping ng seryeng “Safe Skies, Archer” pero sa kalaunan ay unti-unti umano silang naging kumportable sa isa’t isa at naging close na magkaibigan.

Sa joint mini-presscon ng dalawa, matiyagang hinintay ni Krissha si Jerome na nagmula pa sa isang promotional activity in Bulacan bago sila sabay na humarap sa naimbitahang entertainment media.

Habang natutuwa ang dalawa sa hindi nila inaasahang loveteam, looking forward sina Jerome at Krissha sa patuloy na tagumpay ng kanilang bagong tambalan lalupa’t may mga naka-line-up na projects para sa kanila ang kanilang home studio.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE