Kotse nagliyab sa EDSA, 3 patay

February 18, 2022 Jun I. Legaspi 126 views

TATLO katao ang namatay samantalang isa ang malubhang nasugatan matapos magliyab at masunog ang kanilang sinasakyang kotse nang sumalpok sa barrier sa EDSA Cubao, southbound lane malapit sa P. Tuazon tunnel Biyernes ng madaling araw, ayon sa police.

Sa report na nakuha ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) pawang mga miyembro ng Philippine Air Force ang mga biktima.

Sa initial na inbestigasyon ni PCpl. Mark Anthony Rasay ng Philippine National Police Cubao Traffic Office, wala nang buhay ang mga biktima matapos magliyab at masunog ang kotseng kanilang sinasakyan.

Ayon sa report galing ng Quezon City ang mga biktima at papasok sa trabaho sa Villamor Air Base sa Pasay City nang mabangga nila ang concrete barriers sa EDSA.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang mga imbestigador habang inaalam pa ang ibang mga detalye ng aksidente.

Pansamantala ring hindi muna inilabas ang mga pangalan ng biktima dahil hindi pa naabisuhan ang mga pamilya ng mga ito. Nina Jun I. Legaspi & MELNIE RAGASA-JIMENA

AUTHOR PROFILE