MPD2

Gunman sa 2 BOC ambush, arestado

February 18, 2022 Jonjon Reyes 186 views

AYON sa ulat ng pulisya, natimbog ang suspek na gunman sa ambush ng security personnel ng Bureau of Customs (BOC) nitong Enero 27 at isinuko sa Manila Police District (MPD) ang kanyang baril at granada.

Dahil sa patuloy na isinasagawang follow-up operations ng MPD at sa report na isinumite kay MPD Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, hindi muna nila ilalabas ang pagkakakilanlan ng suspek.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay responsible rin sa pagpaslang kay BOC Senior Appraiser Eudes Nerpio noong Enero 7.
Pinaghihinalaan rin na ang suspek din ang nasa likod ng bigong pananambang kay BOC Asst. Section Chief Ryan Difuntorum nito ring Enero.

Noong Enero 14, sa kabila ng tama ng bala ni Difuntorum, nagawa pa niya na imaneho ang sasakyan at makahingi ng saklolo para madala siya sa pagamutan.
Sinabi ni Gen. Francisco na hinihintay pa nila ang pormal na reklamo ni Difuntorum para tukuyin niya ang suspek at sampahan ng kaso.

Ang narekober na mga cartridges mula sa pamamaril kina Nerpio at Difuntorum ay isinailalim sa forensic examination at nadiskubreng nanggaling sa iisang baril ayon pa sa kay Francisco.

Nakatakdang kasuhan ng MPD ng illegal possession of firearms and explosive ang suspek at murder dahil sa pagkamatay ni Nerpio. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE