Crime

Kelot tinadtad ng bala, utas

March 7, 2024 Melnie Ragasa-limena 75 views

DEAD-on-the-spot ang lalaki na pinagbabaril ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Tama ng mga bala ulo ang ikinamatay ni Cris Paul Palcotelo Gapa, 34, ng Brgy. Baesa, QC.

Base sa imbestigasyon ni PSSg. Christian Loyola, nangyari ang krimen bandang alas-9:00 ng gabi sa harap ng gate ng Asamba Compound sa Sitio Mendez St., Brgy. Baesa, Quezon City.

Isang saksi ang nagsabi na nakarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril hanggang sa makita niyang duguan na si Gapa kaya humingi ng tulong ang saksi sa barangay at pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Forensic Unit ng Quezon City Police District sa pangunguna ni PCpt. Michael Jabel, dalawang empty shells ng baril at isang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa crime scene.

Inaalam na ng pulisya ang mga CCTV sa lugar para matukoy ang mga suspek.