Janelle Larawan mula sa IG/Janelle Tee

Not all heroes wear capes, some just rock a red swimsuit!

April 28, 2024 People's Tonight 52 views

NAG-ALA superhero ang TV host-beauty queen at Vivamax actress na si Janelle Tee ngayong summer para sa mga barako ng social media.

Nakakapatid ng uhaw para sa mga kalalakihan ang ibinandera niyang kaseksihan.

Sa kanyang Instagram page nitong Sabado, Abril 27, bidang-bida ang alindog ni Miss Philippines Earth 2019 sa mga bikini photos na kanyang ibinahagi.

“They say not all heroes wear capes, some just rock a red swimsuit!” sey niya sa caption ng kanyang post.

Angat ang pigura ni Janelle sa one-piece swimwear na kanyang suot. Talagang mawawala ang pagkatigang sa mundo ng pantasya ng mga kalahi ni Adan at ituturing siyang tagapaglitas dito.

Nariyan pa ngang todo-display ang Vivamax actress sa kanyang wetpaks sa ilang larawan habang nasa beach.

Ilang netizens din ang nakaka-miss kay Janelle na magkaroon muli ng proyekto sa Vivamax para hindi lang sa mga larawan nila nasasaksihan ang kanyang sex appeal.

Binaha nila ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng TV host-beauty queen. Bet na bet nila ang ibinandera niyang wangkata.

AUTHOR PROFILE