Default Thumbnail

Kelot tiklo sa pangmomolestiya sa QC

October 17, 2022 Melnie Ragasa-limena 239 views

ARESTADO ang isang 49-anyos na lalaki matapos na ireklamo nang “pangmomolestiya” sa dalawang batang babae sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Ang naarestong suspek ay tubong Iloilo at nakatira sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sa report ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 4:00 ng hapon (Okt. 16), nang madiskubre ang pangmomolestiya umano ng suspek sa mga bata sa loob ng kaniyang tahanan sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Michelle Ram C. Dela Paz, ng District Women and Children Concern Section (DWCCS) ng PS 6, ayon sa dalawang biktima, parehong limang taong gulang, ay “ipinapasok” ng suspek ang kaniyang daliri sa kanilang kaselanan kapag sila ay nasa bahay nito.

Dahil dito ay nagsumbong ang mga bata sa kanilang magulang dahilan upang ipaaresto ang suspek sa mga opisyal ng kanilang barangay.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA (Republic Act) 8353 na may kaugnayan sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) laban sa suspek.