Posas

Kelot nagpahambog ng shotgun timbog

March 4, 2024 Edd Reyes 78 views

HINULI ng mga pulis ang lalaking palakad-lakad habang may bitbit na shotgun na may bala sa Malabon City noong Linggo.

Mistulang nasa “war zone” kung umasta ang suspek na si alyas Rodel habang palakad-lakad sa Pilapil St., Brgy. Catmon habang bitbit ang 12-gauge shotgun bandang tanghali.

Nang makarating sa kaalaman ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang sumbong ng mga residente sa lugar, iniutos sa mga tauhan ng Police Sub-Station-4 na magresponde sa naturang lugar.

Natiyempuhan naman nina P/SSg. Bernardino Bernal at P/Cpl. Rochester Bocyag ang suspek sa Interior Pilapil kaya’t bago pa makaporma, dinamba na nila ang lalaki at kinumpiska ang shotgun.

Nabigo naman si Rodel na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagmamay-ari niya ng shotgun.

AUTHOR PROFILE