Posas

2 sa 3 holdap suspek huli

March 3, 2024 Edd Reyes 154 views

TIMBOG ang dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na obrero noong Linggo sa Malabon City.

Positibong itinuro ni alyas Romel ang mga nadakip na sina alyas Jessie, 27, na siyang sumaksak sa kanya, at alyas Edison, 20, na tumutok naman sa kanya ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Tinutugis pa ang isa nilang kasama na siyang humablot at tumangay sa P3,200 cash na kinita ng biktima.

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michel Oben ng Malabon Police Investigation Unit, naglalakad pauwi ang biktima dakong alas-2:30 ng madaling araw nang huminto ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa kanto ng Dagat-Dagatan Avenue at P. Aquino St. sa Brgy. Longos.

Nang bumaba ang tatlo, nakaramdam na ng takot si Romel kaya’t tinangka na niyang umiwas pero tinutukan na siya ng kutsilyo ni Edison at nagdeklara ng holdap.

Tinangka pang manlaban ng biktima pero sinaksak na siya sa mukha sabay hablot ng isa pang sa kanyang sling bag na maraming laman na pera.

AUTHOR PROFILE