Dolly

Kathryn box office star pa rin

October 12, 2023 Aster Amoyo 196 views

MASAYANG ibinalita ng mga taga-Star Cinema that as of October 10 ay umabot na ng mahigit P100M ang kinita ng pelikulang “A Very Good Good” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon mula sa pamamahala ni Petersen Vargas. Ito ang biggest-grossing movie for the year 2023 na showing pa rin in 250 theaters nationwide bukod pa sa screening ng movie sa ibang bansa including US, Bahrain at Qatar.

Although malayo ang figure sa record-breaking movie nina Kathryn at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” in 2019 na kumita ng halos P900-M sa worldwide screening ng pelikula, ang P100M sa mga panahong ito ay napakahirap kitain sa box office.

One thing is sure though, na napanatili pa rin ni Kathryn ang kanyang pagiging box office star kahit sinuman ang kanyang makasama sa pelikula.

Melai may ginawang pelikula sa South Korea

MelaiSA darating na December 9 ay ise-celebrate ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang 10th wedding anniversary. Ang celebrity couple ay ikinasal nung December 9, 2013 at sila’y meron nang dalawang anak na sina Mela (Amelia Lucille) – 9 at Stela (5).

Just like other couples, sinubok din ng tadhana ang kanilang pagsasama nang sila’y magkahiwalay (out of selos sa parte ni Jason) pero muling nagkabalikan kasunod ng muling pagbubuntis ng actress-comedienne-host ng kanilang second daughter na si Stela.

Sina Melai at Jason ay nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa loob ng Pinoy Big Brother house nung 2009 kung saan ang una ang tinanghal na Big Winner. Paglabas nila ng PBB house ay ipinagpatuloy pa rin ng dalawa ang kanilang pagiging close sa isa’t isa na nauwi sa pagpapakasal nung December 9, 2013.

Since mas busy si Melai pagdating sa kanilang respective careers, ang husband niyang si Jason ang mas may oras para matutukan ang kanilang dalawang anak.

Kung si Melai ang tinanghal na Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Double Up” edition nung 2009, six years later ay siya rin ang tinanghal na Grand Winner sa local adaptation ng “Your Face Sounds Familiar”nung February 2015. A year later in 2016, kasama si Melai nina Karla Estrada at Jolina Magdangal bilang hosts ng morning daily program ng ABS-CBN, ang “Magandang Buhay” na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag with Asia’s Songbird Regine Velasquez replacing Carla na nagpaalam sa programa.

Bukod sa pagiging host, si Melai ay makailang beses na ring napasama sa iba’t ibang serye at programa sa telebisyon at kasama na rito ang paggawa ng pelikula.

Just recently, nag-post ang actress-comedienne-host sa kanyang Instagram account kung saan niya ibinahagi ang kanyang bagong movie na kinunan pa sa South Korea last July, ang “Maam Chief” na kanyang pinagbibidahan at dinirek ng Korean director na si Kring Kim under Pulp StudiosPH. Sa nasabing pelikula ay mga Korean actors and production staff ang kasama niya.

Mga kilalang MMFF box office stars walang entry

GloriaPicPic1Pic2HINDI sa October 16 kundi sa October 17 na umano nakatakdang ihayag ng Selection Committee ng Metro Manila Film Festival ang natitirang final 4 para sa 2023 MMFF o ika-49th edition ng annual Metro Manila Film Festival.

Dalawa ang probable entry ng award-winning director na si Joel Lamangan sa MMFF, ang “Ang Ina Mo” nina Lotlot de Leon at Charlie Dizon at ang “Lola Magdalena” kung saan tampok sina Liza Lorena, Gloria Diaz, Perla Bautista kasama sina Sunshine Cruz at Pia Moran.

Sa rami ng magagandang entries this year, tiyak na mahihirapang mamili ang Selection Committee ng MMFF dahil apat na slot lamang ang kailangan nilang punuan mula sa isinumiting finished products.

Ano kaya ang chance ng magkakahiwalay na pelikula nina Nora Aunor, Vilma Santos at Maricel Soriano maging ang entry ni Nadine Lustre, Piolo Pascual, Iza Calzado, Donny Pangilinan at iba pa?

Samantala, bakit kaya walang entry this year ang MMFF box office stars na sina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin?

Baby Peanut jetsetter na

BabyJETSETTER na si Baby Peanut or Isabella Rose dahil kahit wala pa itong isang taon ay nakarating na ito ng Singapore with her celebrity parents na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Patuloy na nasusubaybayan ng netizens ang first apo ng Stars for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto dahil sa vlog ng mag-asawang Luis at Jessy.

Isabella Rose or Baby Peanut will turn one-year old on December 28.

Ang mag-asawang Luis at Jessy ay parehong hands-on parents kay Baby Peanut.

Coco at Julia, kelan ang kasal o kasal na ba?

JuliaNGAYONG bukas na sa publiko ang relasyon ng longtime partners na sina Coco Martin at Julia Montes, inaabangan naman kung kelan magpu-proposeng kasal ang una sa huli. May nagsasabi namang lihim na kasal na ang dalawa.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay kung kelan naman daw ipapakilala ng dalawa ang kanilang rumored child na matagal na ring napapabalita.

Samantala, Coco remains the undisputable Primetime King sa telebisyon dahil sa patuloy na pamamayagpag ng “FPJ’s Batang Quiapo” for almost eight months na ngayon. Ang kanyang naunang action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ay tumagal sa ere ng pitong taon, making it the longest-running action-drama series on local boob-tube.

Paglipat ni Willie isang malaking challenge

WillyHINDI kaya nagsisisi ang “Wowowin” host and producer na si Willie Revillame na iniwan niya ang GMA para lumipat sa ALLTV para lumipat sa ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System ng mga Villar?

Nagimulang mapanood ang “Wowowin” game show sa GMA nung May 10, 2013 na nagtapos nung April 5, 2023.

Hindi na nag-renew si Willie ng kanyang kontrata sa GMA dahil sa kanyang paglipat sa ALLTV.

Anim na buwan na ring hindi napapanood ang “Wowowin” magmula nang lisanin ni Willie ang Kapuso network na kanyang naging tahanan sa loob ng sampung taon.

May mga balitang nakatakda umanong ilipat ng game show host-producer ang kanyang popular game show na “Wowowin” sa government-owned station, ang PTV-4 na tiyak na magiging malaking challenge.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter(X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE