Nokturno

‘NOKTURNO’ NINA NADINE AT DIREK MIKHAIL, WISH NG FANS NA MAPASOK SA 2023 MMFF

October 11, 2023 Ian F. Fariñas 283 views

INILABAS na nga ng Viva Films, Studio Viva at Evolve Studios ang official teaser ng Nokturno, ang bagong genre project ng six-time best actress awardee at tinaguriang bagong “Horror Queen” na si Nadine Lustre.

At base sa reaksyon ng netizens, hihigitan pa nito ang multi-awarded at top-grossing 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Nadine at Direk Mikhail Red na Deleter.

Sa Instagram page ng Evolve Studios, may fans na nagwi-wish na mapasok ang Nokturno sa 2023 MMFF.

Ang balita, 30 movies ang maglalaban-laban para sa huling apat na slots sa MMFF ngayong taon.

Kaya naman hirit ng isang netizen, “There’s only 4 slots para makasama sa MMFF 2023, Nakapasok po ba ang Nokturno? I really hope so.”

Kung hindi magbabago ang schedule, sa October 17 umano ia-anunsiyo ng MMFF execom ang huling apat na title na mapapabilang sa official entries sa taunang pestibal.

So far, ang unang apat na entries na pasok na sa 2023 MMFF ay ang pelikula nina Sharon Cuneta at Alden Richards, Rewind ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Penduko ng Viva Films starring Matteo Guidicelli and Cristine Reyes at ang (K)Ampon nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

AUTHOR PROFILE