Angelica

Unang taon ng pagiging mommy ni Bean, worth it — Angelica

October 12, 2023 Vinia Vivar 177 views

Aminado si Angelica Panganiban na hindi talaga madali ang maging ina pero very fulfilling naman.

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres ang naging journey sa motherhood sa loob ng isang taon.

“Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na 1 year old na si Baby Bean,” simula ni Angelica.

As we all know ay nag-celebrate na nga ng 1st birthday ang anak ni Angelica sa fiance na si Gregg Homan na si Amila Sabine o Baby Bean.

“So grateful for all of you who have been here from the beginning. Hindi palaging madali ang motherhood. Lalo na sa unang taon. But having all the support from my family, close friends, at syempre sa pinaka supportive kong asawa this journey has been so fulfilling!” aniya.

Mensahe niya kay Baby Bean, “To my little Baby Bean, seeing you grow into the happy little girl you are has made everything so worth it! Mama loves you! I can’t wait to create more LONG LASTING MEMORIES with you.”

Ang hinihintay na lang ngayon ng kanyang fans ay ang kasal nila ni Gregg na magaganap early next year.

Nabanggit nga ni Angelica sa isang vlog na mayroon na silang “save the date” na ipinadala sa mga kaibigan at relative nila.

Hindi pa sinasabi ng aktres kung dito ba sa ‘Pinas o out of the country ang wedding.

AUTHOR PROFILE