Kathniel

KathNiel tikom pa rin sa tunay na dahilan ng hiwalayan

December 1, 2023 Joey Aquino 1299 views

KUMPIRMADO nang hiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa gitna ng kontrobersiya, wala pa ring pahayag ang dalawa ukol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kaya naman patuloy na pinagpipiyestahan ang isyu sa social media. Inisa-isa nila ang series of events leading to their confirmation. Isa na rito ang paggamit ng photo ni Kath sa relationship quote na ginamit sa isang simbahan. Flashed on the monitor screen during mass, the quote reads “Get a man with a future plan, not a boy who just want(s) to have fun,” which seemingly attributed to breakup issue. Netizens mockingly post a la responsorial manner – “Kathryn, kaawan mo kami” and other memes.

Matatandaan na unang ibinalita ng talent manager at showbiz reporter Ogie Diaz ang tungkol sa hiwalayang KathNiel. Tsismis pa lang mito noon. At itinuturong dahilan ay ang young actress na si Andrea Brillantes. Lalo pa itong uminit nang pinatotohanan ng ina ni Daniel na si Karla Estrada ang tungkol sa hiwalayan.

Bago pa pumutok ang isyu, kapansin-pansin ang bikini post ni Kath. Netizens seemingly have interpreted this as Kath’s expression of freedom. Or was she venting her anger at something or someone? Sabi nga ng isang kaibigang TV writer, tiyak na ‘di siya papayagan ni Daniel dahil sa pagiging conservative nito. Dahil dito, mas umugong ang balitang hiwalayan.

No appearance din ang dalawa sa ginanap na Star Magical Christmas Ball kamakailan.

Aminin o hindi, ginagawan nang isyu ang mga artista ‘pag may ipapalabas na serye o pelikula para sa publicity nito. But in KathNiel’s case, they don’t need such cheap publicity stunt just to promote their project. Obviously, this breakup issue is not a publicity ploy.

Ang tanong naman ngayon: wala na bang pag-asa na muli silang magkabalikan? Forever na bang magiging broken hearted ang KathNiel fans? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE