Juliever Larawan: Kaye Misajon, (Rayver Cruz )/IG

Julie Anne ‘namula’ sa kilig dahil kay Rayver Cruz

February 7, 2024 People's Tonight 115 views

UMAAPAW sa sweetness naman ang lovebirds na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, matapos haranahin online ng aktor ang singer-actress.

“Sleepy na pero g parin para sa mandatory pasilyo,” caption ni Rayver sa kanyang Instagram post, Pebrero 6, 2024.

Kalakip ng caption, ay isang video kung saan tinutugtugan ng “On The Job” star si Julie Anne online. Mapapansin namang pulang-pula gaya ng mansanas ang singer matapos mapakinggan ang malamig na boses ng aktor.

Bumuhos naman ng heart emoticon ang comments section ng nasabing post, at hiling naman ng netizens na sana ay huwag sumabay sina Julie and Rayver sa trending ngayong hiwalayan ng couples sa showbiz industry.

Sa interbyu naman kay Rayver, sinabi niyang handang-handa na siyang pakasalan si Julie dahil ito na umano ang kanyang dream girl na makasama habangbuhay at magkaroon ng sariling pamilya.

AUTHOR PROFILE